CHAPTER 64

1.1K 46 0
                                    

SAMARA'S POV

Dahan-dahang inalalayan ni kuya si Primo para humiga sa kama. Gague kasi, kakagising palang daw, nag pupumilit nang isakay sa wheelchair para daw i surprise ako. Sabi kasi ni kuya, hindi daw sila nag expect na gigising si Kai ngayon. Nagulat nalang daw sila ng biglang may nagsalita sa likuran nila. Akala pa nga raw nila multo. Ngunit nung nakita nila si Primo na dilat ang mga mata at nakakunot pa daw ang noo. Ay sobrang kasiyahan ang bumabalot sa buong paligid.

Natatawa tuloy ako sa mga sinalaysay ni kuya.

"Bunso, ipagbalat mo nang prutas si Prime" utos ni kuya sa akin.

Sinamaan ko naman s'ya nang tingin. Makapang utos lang?

"Bawi-bawi? Ganun?" Ano ako maid? Asawa lang ako a, oo asawa kaya ipagbabalat ko s'ya ng prutas, sabi ko nga. Hehe.

"Bilis na, wag nang mag reklamo" saad naman ni Ethan. tinulak pa ako para ipagbalat nang prutas ang mahal nilang Primo.

Grrr! Padabog akong nag punta sa misa at pinagbalat ng prutas ang mahal kong asawa. Ganurn! Binabawi ko na pala ang mga sinasabi ko noon. Tssk!

"Alam mo ba Prime, sobrang iyak ni Sam nung nalaman namin na na coma ka. Grabe, sobrang pangit pala ni Sam kapag umiiyak? Kaya ikaw Prime, wag na wag mong paiiyakin si Sam, dahil naku, nakakatakot"

Napakunot naman ang noo ko, nang marinig ko ang mga pinagsasabi ni Clark. Lumingon ako sa kinaruronan nila at binato ng balat ng saging si Clark.

"Aww, aray naman Sam" sapo n'ya ang mukha n'yang natamaan sa balat ng saging.

"Gagu"

Tumawa naman si Prime ng malakas nang makita n'ya akong parang uusok na sa galit. Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa ginagawa ko.

"WOHOOH, MAY TAO BA SA LOOB?"

Sabay naman kaming napatingin sa pinto dahil sa sobrang lakas ng sigaw nang kung sinong babaeng nasa labas.

"TAO PO" Sigaw naman nang kasama nito.

Wait! Parang familiar ko ang mga boses nila. Dali-dali akong nag tungo sa pintuan at binuksan ito.

"WAAHHH, SAM! HAPPY BIRTHDAY" Sigaw ni Norine sa akin habang sinunggaban ako ng yakap.

Hinila naman s'ya ni Dana at pinatahimik ito.

"Ano kaba Norine, alam mo naman ang nangyari kay Kai. Hindi ito ang panahon para mag saya, okay? Alam mo namang na coma yung boyfriend ng kaibigan natin e" suway ni Dana kay Norine.

Nakangiti lang akong pingmasdan sila. Grabe namis ko ang mga gagang to ah. Lumapit naman ako sa kanila at niyakap sila isa-isa.

"I miss you, both" masayang ani ko.

"Baby"

Napalingon naman ako kay Kai at kita ko ang paglukot ng mukha n'ya.

"Bakit Primo?"

"Pwedeng ako muna asikasohin mo? Di mo ako namis?" Nag pout pa s'ya habang sinasabi yun.

Ngjnitian ko naman s'ya at nilingon sina Dana at Norine.

"Wah, totoo Sam? Gising na ang Primo mo?" Manghang tanong ni Norine.

"Oo, halikayo, pasok muna kayo" pagyaya ko sa kanila.

Mukhang nag alinlangan namang pumasok si Dana at parang may hinanap pa ito sa loob.

"A, si Norine nalang ang papasok Sam. Uuwi na muna ako"

"Ha? Bakit? Kakarating mo lang Dana, di mo ako namis?" Ginaya ko pa ang tanong ni Kai kanina.

May pag alinlangan naman n'ya akong tiningnan at parang nababasa ko sa mukha n'ya na may iniiwasan s'ya.

"S-Syempre, namis kita, pero-"

"Iniiwasan mo ba ako?"

Naagaw naman ang atensyon namin nang marinig naming nagsasalita si Ethan sa likuran namin.

"H-Hindi a! S-Sige Sam. Dadalaw nalang ako bukas. Norine maiwan na kita" pamamaalam ni Dana bago ito tuluyang lumabas ng room.

Sinundan naman ni Ethan si Dana, kaya nagkatinginan nalang kami ni Norine.

"Baby! Naman e, kanina pa ako nag hihintay dito" tawag uli ni Primo sa akin.

"Oo, andyan na" hinila ko si Norine sa loob at pinaupo sa upoang katabi ni Clark.

"Eherm" tumikhim pa si Clark pagka upo ni Norine sa tabi n'ya.

Problema nila?

Nag buntong hininga nalang ako at pinuntahan ang parang batang si Primo na kanina pa nag mamaktol. Tss, kung hindi lang to galing sa matagal na pagkatulog, kanina ko pa 'to nasapak.



VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon