CHAPTER 61

1.1K 54 3
                                    

SAMARA'S POV


"Heyy, Mrs. Pendleton" tawag ni Primo sa akin. Nakatalikod ako sa kanya dahil niligpit ko ang pinagkainan n'ya. Pagkatapos ng kasal namin, palagi na s'yang nakangiti. Hindi maitagong sobrang saya n'ya, at ganun din ako, pero alam kong huli na ito, dahil mamaya na ang operasyon n'ya.

"Primo, may kailangan ka?" Humarap ako sa kanya at pilit itago ang lungkot na nararamdaman.

"Wala naman. Sinanay ko lang ang sarili kang tawagin ka ng ganun. Gusto kong ulit-ulitin kasi ang sarap sa pakiramdam na naging Mrs na kita ngayon"

Lumapit ako sa kanya at humiga ako sa tabi n'ya.

"Ang sarap din sa pakiramdam ang pagiging Mrs mo Primo" ginawa kong unan ang braso n'ya at niyakap s'ya.

Tila bumigat naman ang hininga n'ya dahil sa ginagawa ko.

"Alam mo baby, kahit hindi halata, araw-araw akong nag dasal sa isipan ko na sana, bigyan pa ako ni Lord ng isang pag kakataon, dahil sa totoo lang, hindi pa ako handa. Lalo na ngayon na nagiging Mrs na kita. Ayaw kong kunin itong pagkakataon na'to sa akin. Buong buhay ko, ito lang ang hiniling ko, na balang araw, magiging akin ka din. At ito na nga, dumating na ang pagkakataong 'to" nag crack yung voice n'ya na parang iiyak na s'ya. Kaya diko din mapigilang bumigat ang dibdib ko.

"Naniniwala akong lalakas ka. Naniniwala akong gagaling ka, babalik ka sa akin, Primo. Kaya please lang, tatagan mo ang loob mo, ha? Magsasama pa tayo ng matagal, tulungan mo ang sarili mong lumaban. Paano nalang ang laban namin kung hindi ka din lalaban, hindi ka nag iisa dito. Kasama mo kaming lahat" pinahid ko ang luha kong nag uunahang tumulo sa pisngi ko.

Ito na naman, walang katapusang iyakan na naman, pero pakiramdam ko, hindi pa din ma ubos-ubos ang luha ko. Kahit ilang beses akong umiyak, hindi ko na mababago ang nakatadhana. Tadhanang susubok sa amin kung gaano kami ka tatag. Iniisip ko na fight lang Samara, pero hanggang sa isip lang pala, dahil mismong katawan ko, malapit ng bumigay.

"Lalaban naman ako e, hindi ko hahayaang talunin tayo ng mga pagsubok na'to. Ikaw at ako lang, ang pag mamahalan lang natin ang makakatalo sa pagsubok na'to. Ang pag mamahal mo lang ang sandata ko para labanan ang pagsubok na'to" pinahid n'ya ang luha ko at hinalikan ako sa labi.

"Aherm, Aherm"

Sabay kaming napalingon sa pintuan kung saan nakatayo ang lima kasama ang doctor na mag oopera kay Primo. Hindi paman nag sasalita ang doctor ay bumigat na naman ang dibdib ko.

"Bunso, oras na para sa operasyon ni Prime" sabi ni kuya sa akin na may lungkot sa mga mata.

Bumuntong hininga ako at tinitigan si Kai. Pagtapos tumayo ako at ganun din s'ya.

"Primo, lalaban ka ha, mag hihintay ako sa pag gising mo. Mahal na mahal kita, tandaan mo yan" umiiyak akong kinuha ang kamay n'ya at itinapat sa dibdib ko. "Ikaw lang ang lalaking andito, ikaw lang" humagolgol na ako ng iyak dahil huling pagkakataon na itong makausap ko s'ya.

"Mahal na mahal kita, baby. Pangako, lalaban ako. Pangako magiging successful ang operasyon ko" niyakap n'ya ako ng mahigpit at dama ko ang pagbigat ng hininga n'ya.

"Mr. Pendleton, hali na po kayo" sabi ng doctor at lumapit ito sa kinaruruonan namin.

Lumapit muna sina kuya kay Kai at niyakap nila ito.

"Prime, tatagan mo ang loob mo, kapag successful ang operasyon mo, yung babaeng pinapakilala ko sayo, seseryosohin ko yun" biro pa ni Ethan na may halong lungkot, namumula na din ang mga mata nito dahil sa pag pipigil ng luha.

"Zup, Prime. Matatag ka naman diba? Alam kong lalabanan mo'to dahil sobrang gwapo mo at sobrang macho mo, kaya please, fight lang ha" biro naman ni Clark na gaya ni Ethan, parang iiyak na din.

"Wala akong ibang sasabihin kundi, mahal ka namin kaya may dahilan kang lumaban" tinapik pa ni Dustine ang balikat ni Kai, sabay tulo ng mga luha n'ya.

"Prime, kung hindi ka lalaban, sige ka, aagawin ko talaga si Sam sayo, kaya paki usap, lalaban ka. Kakayanin mo ang laban na'to" sabi naman ni Dieg, bago lumapit kay Kai at niyakap ito.

"Hey, Brother in law. Ang lalaking mahal ng kapatid ko, kaya mahal ko din. Buong buhay ko, ikaw lang ang pinag sisilbihan ko ng ganito Prime, para na kitang kapatid. Kung papipiliin ako sa inyong dalawa ni Sam, ikaw ang pipiliin ko, charot lang. So yun nga, Prime namin, at Primo ni Sam. This battle is not only for you, dahil ang laban mo, laban namin, kaya wag na wag kang mag kakamaling isuko ang buhay mo dahil parang sinuko mo na din kami. Tandaan mo, marami kaming mag hihintay sa pag gising mo, kaya wag mo kaming biguin, dahil papayagan ko talaga si Dieg na agawin si Sam sayo. Joke lang ulit. Ikaw pa din naman ang lalaking gugustohin ko para sa kapatid ko" niyakap ni kuya si Kai at sabay pa silang umiiyak.

"Ano ba kayo? Hindi ako mamamatay! Kung makapag bilin kayo parang pinag lalamayan n'yo na ako. Pag ako namatay, mumultohin ko talaga kayo, isa-isa" kahit na umiiyak, nagawa pa din n'yang sabihin ang mga katagang yan.

"PRIMO!"

"Joke lang, baby" sabi n'ya sabay pahid mg mga luha n'ya. Tinabihan s'ya nung lima at hinagud-hagud ang likud.

Ako, nakatingin lang sa kanila habang hilam sa luha ang mga mata. Sobrang labo na nang paningin ko dahil sa dami ng luhang nilabas ko.

Mahal ko, hinhintayin kita, dahil walang silbi ang buhay ko kung wala ka. Ngayong Mrs mo na ako, ito nalang ang pinanghahawakan ko. Primo, wala akong ibang hahangarin ngayon kundi sana, hindi tayo pababayaan ng panginoon dahil mababaliw talaga ako kapag may masamang mangyari sa yo.


VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon