CHAPTER 2

4.1K 153 5
                                    

SAMARA'S POV

"ANO bunso, kumusta ang first day of school mo?" Tanong ni kuya Marky sa akin.

Nandito kami sa hapag kainan, nakaupo ako sa ibabaw ng mesa habang pinapanood si kuya na nagluluto.

Kami lang dalawa ang nakatira dito sa bahay, dahil ang parents namin nasa ibang bansa.

Ang swerte ko kay kuya dahil minsan kahit pasaway ako, hindi niya ako nagawang pagalitan. Simula bata palang ako siya na ang madalas kong kasama, minsan lang kasi uuwi sina mommy at daddy dito. Palagi silang busy sa negosyo nila.

Mabait si kuya. Nagawa niya akong alagaan mag isa, kahit na isang taon lang ang agwat namin, para na siyang si daddy mag isip. Nag aaral din siya sa pinapasukan ko, actually siya ang nauna doon. Graduating na siya sa korsong Medecine.

Tumingin ako sa kanya at nginitian siya.

"Ayos naman" pagsisungaling ko sa kanya.

Ayaw kong mag alala siya baka mamaya ilipat na naman niya ako ng paaralan. Nakakapagod na kaya. Ilang beses na kasi akong palipat-lipat ng school dahil sa ugali kong to, ikaw ba naman, sapakin mo yung Math teacher niyo sa mukha tingnan lang natin kong hindi ka ma expel.

"O siya, sige. Tulungan mo na ako dito ng makakapag dinner na tayo.

Bumaba ako ng mesa at tinutulungan siyang maghain.

"Kuya, ba't ayaw mong kukuha ng katulong?"

"Bakit? Kaya ko naman lahat ng gawain dito sa bahay. Aanhin ko pa ang katulong?" Sabi niya.

"E, para naman makapag pahinga ka pagkagaling sa school"

"Hmp, saka na natin yan pag uusapan. Kakain na muna tayo" umupo siya sa dulo ng mesa. Ako naman sa kaliwang bahagi niya, at nag simula na kaming kumain.

After 5 minutes natapos na din kami. Naghugas muna ako ng pinggan bago umakyat sa taas. Nakita ko pa si kuya na nakaupo sa sala habang nakatutok sa laptop niya.

"Kuya, matutulog na ako" Paalam ko sa kanya.

"Okay, sleep well bunso. Gumising ka ng maaga bukas, sabay tayo pupuntang school" sabi niya habang hindi naka tingin sa akin.

"Okay" umakyat na ako sa hagdan at pumasok sa kwarto ko. Nag ayos ako ng sarili ko bago humiga sa kama.

What a tiring day.

__

KAIPEN UNIV.

MAGKASAMA kami ni kuya ngayon naglakad sa hallway. Nakaakbay siya sa akin habang ako naman ay nakahawak sa bewang niya.

"Bakit magkasama sila ni Marky?"

"Pati ba naman si Marky?

"Oo nga, malandi talaga"

"Nako naman, ba't s'ya pinapatulan ni Marky?"

As usual, bubulong-bulongan na naman ang mga bubuyog. Naramdaman ko naman ang pag higpit ng pagkaka akbay ni kuya sa balikat ko.

"Don't mind them"

Tumango nalang ako. Pasalamat sila kasama ko si kuya. Mamaya kayo sa akin.

"O sige, pasok na" sabi ni kuya habang ginugulo ang buhok ko.

Tumango ako at nginitian siya. Hinintay ko munang makaalis si kuya, pagkatapos binalingan ko ang mga bubuyog na nakatingin pa din sa akin.

"What a slut"

"Hindi na nahiya"

"Oo nga"

Sege lang, sabihin niyo ang gusto niyong sabihin. Dahan-dahan akong nag lakad papalapit sa kanila while naka cross arms.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon