CHAPTER 39

1.2K 57 0
                                    


SAMARA'S POV

Maaga akong pumasok sa school dahil may photo shot pa ako sa isang beach. Hindi ko alam kung saan yun. Basta ang sabi ni Myka medyo malayo daw kaya dapat ihanda ko ang sarili para sa mahabang byahe.

Nakaupo ako sa upoan ko dito sa room namin, at napangiti nalang ako nang ma aalala ko ang surpresa ni tita Bannie kanina.

FLASHBACK

"Ang swerte ko talaga at napunta ka sa akin" bungad agad ni tita Bannie sa akin pag pasok ko sa studio.

"Ho, bakit ho?" Gulat kong tanung sa kanya.

May kinuha s'yang folder sa mesa n'ya at obinigay ito sa akin. Walang pag alinlangang kinuha ko ito at binasa agad.

Ganun nalang ang pag laki ng mga mata ko dahil sa nabasa ko.

"OMG! Totoo ba'to, tita? Kumikita ng malaki ang unang photo shots ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko, nanatili pa din ang paningin ko sa folder na hawak ko.

"Its a big yes, Sam. Maraming gustong kumuha sayo. At alam mo ba, na isa sa kaibigan kong sikat din na gaya ko, ay gustong ma meet ka. Ito na ang simula mo Samara. Alam kong malayo pa ang mararating mo"

END OF FLASHBACK

"Huyy babae! Bakit hindi ka namin mahagilap nitong mga nakaraang araw, ha?"

Tiningnan ko si Norine na nakatayo sa harapan ko at naka pa maywang pa. Nginitian ko lang sya at kinindatan.

"Uyy, anong klaseng ngiti yan, Samara?" Tanong naman ni Dana sa akin. "Bakit ang saya-saya mo 'ata ngayon?"

Nagkibit balikat lang ako habang hindi ma alis-alis ang ngiti sa labi ko. Sobrang saya ko, dahil kumita agad ang unang pinaghirapan namin.

"Sam, naka drugs kaba? Ha?"

Nabaling ang tingin ko kay Norine na tila gulat na gulat habang nakatingin sa akin.

Kinunutan ko naman s'ya ng noo at inirapan.

"Anong pinagsasabi mo? Anong naka drugs?" Nakataas kilay na tanong ko kay Norine.

"E, kanina kapa namin kinakausap, ni hindi ka man lang nag sayang nang laway para sagutin ang mga tanong namin. Tapos ngingiti-ngiti ka pa d'yan na para bang naka hithit ka ng isang grapa na shabu. Sabihin mo nga sa amin, may nobyo ka naba?"

Napahalakhak nalang ako dahil sa klaseng tanong ni Norine.

"Anong boyfriend? Yan paba ang uunahin ko?"

"Anong boyfriend ang pinag sasasabi mo Norine? Sa tingin mo ba mag boboyfriend yang kaibigan natin, e alam naman natin pareho, na may hinihintay yan"

"Magtigil ka nga Dana, sino naman ang hinihintay ko?"

"A sus, nag deny pa" hirit naman ni Norine.

"Mag tigil nga kayong dalawa"

Sabay naman kaming napalingon sa mga babaeng kararating lang at mukhang may pinag uusapan.

"Talaga?"

"Oo nga, nakita ko s'ya kanina, may kasamang magandang babae"

"Nakakasiguro ka bang si Kaizer talaga yon?"

"Oo nga sabi e"

Ibinaling ko ang paningin ko sa harap ko, at tila may kumurot sa puso ko dahil nakakaramdam ako ng sakit. Ipinilig ko nalang ang ulo ko at pinakalma ang sarili. Wala na akong karapatang masaktan, dahil yun ang katotohanan. At hindi na din ako aasa na magiging maayos pa kami.

"Totoo ba yun? Nagbalik na si Kai?" Tanong ni Dana kay Norine.

"Iwan ko, baka sabi-sabi lang naman yan. Alam mo naman ang mga tao ngayon"

Tumabi si Norine sa akin at inayos ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.

"Totoo ang mga sinasabi nila. Bumalik na si s'ya" malamig na ani ko.

Alam kong nagulat sila, ngunit hindi na ako nag abala pang tingnan sila isa-isa. Ayaw kong makita nila ang expression ko, dahil ayokong mag alala pa sila.

"Paano mo nalaman Sam?" Mahinahon na tanong ni Norine sa akin.

"Nagpakita s'ya sa akin. Katunayan nga, nag punta s'ya sa bahay namin" sagot ko, at nanatili pa din akong nakatingin sa harap.

"What? Ginawa n'ya yun? Ang kapal naman n'yang magpakita sayo"

"Ano kaba Norine, hindi ngayun ang panahon para dumagdag pa tayo. Ang gawin lang natin ay pakinggan ang side ni Kai. Wag mo na pang gatungan si Sam"

"Tss"

Nanahimik na ako, habang yung dalawa nag tatalo pa din. Bakit pa ba namin pinag uusapan ang gagong yun? Simula nung lumayo s'ya, nawala na din ang paki ko, kaya bakit pa ako nakikinig sa mga usap-usapan ng mga tao.

Pero masakit pa din, masakit pa din marinig mula sa ibang tao na may kasama s'yang iba. Ako dapat yun e, ako dapat ang kasama n'ya.

Ibinaling ko nalang ang tingin sa labas. Di pa nga dumating ang prof namin, nawalan na akong ganang makinig sa klase.

Ilang minuto ang nakalipas hindi ko na namalayan na natapos na pala ang klase namin, ni hindi ko nga namalayan ang pagdating ni prof art, at ngayong patapos na ang oras, nanatili pa din akong lutang.

"Heyy Sam, are you okay?"

Tumango nalang ako kay Norine.

"Sure ka? Kanina ka pa namin tinatawag ngunit parang wala ka sa sarili. Si Dana nga pala, nauna na sa atin"

Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko, pagkatapos ay sabay kamin ni Norine na lumabas. Nakita pa namin si Kai na galing sa clinic at may kasama itong babae. Yung babae na kasama n'ya sa park. Yung babaeng girlfriend n'ya.

Nabaling naman ang tingin n'ya sa amin, kaya iniwan n'ya ang babae at lumapit ito sa amin.

"A, Norine, hihiramin ko muna si Sam" hinawakan n'ya ang kamay ko at hinila paalis.

Nilingon ko pa si Norine at senenyasan na sumunod s'ya ngunit umiling lang ito.

"Ano ba, saan mo ba ako dadalhin?"

"Sa park" malamig na sabi n'ya.

"Iniwan mo ang girlfriend mo dun, para lang mag punta sa park kasama ako? Ano nalang ang sasabihin ng girlfriend mo?" Pilit kong alisin ang kamay n'ya ngunit hinigpitan lang n'ya ang pagkahawak n'ya sa kamay ko.

"Sssshhh"

Tahimik lang akong nakasunod sa kanya habang hila-hila n'ya yung kamay ko. Ano ba ang gagawin namin dun?

VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon