CHAPTER 53

1.1K 48 0
                                    

SAMARA'S POV


Oras na para sa photo shot namin kaya inihanda ko na yong mga susuotin ko. Andito ako sa loob nang kwarto kasama ang lalaking kanina pako sinisermonan.

Tulad nalang ngayon.

"Baby, hindi ka pwedeng mag susuot nang ganyan! Maraming tao sa beach" inagaw n'ya sa akin ang hawak kong bikini.

"Primo naman, kaya nga sa beach ang photo shot dahil ganitong klase nang damit ang isusuot ko. Besides patungan ko naman ito nang manipis at above the knee na white long sleeve"

"Kaya nga! Manipis! Kaya Kita pa din"

Kaya ang ending, yung spaghetti strap na dress na pwedeng isuot sa beach nalang ang sinusuot ko. Mahirap nang makipagtalo sa may sakit. Kukumbinsihin ko nalang si Myka na bagohin ang theme namin. Wala akong ibang gusto nagyon, kundi sundin lahat nang gusto n'ya.

Nakarating na kami sa beach, at nakita namin sina Dieg sa isang cottage. Nandun na din sina Myka at Almond at ang apat na camera man na naka assign sa araw na'to. Kumaway si Myka sa amin, at medyo na dismaya pa ito nang makita n'ya ang suot ko.

"Anong klaseng suot yan?" Nakakunot ang noo na tanong ni Myka sa akin.

Hinila ko s'ya at lumayo kami sa kanila.

"Pwedeng ibahin nalang natin yung theme, please Myka. Ayaw talaga ni Prime na mag suot ako nang ganun eh, mahahanapan naman siguro natin yan nang paraan, diba?" Pakiusap ko sa kanya.

"Sige na nga, ako nang bahala d'yan. Pasalamat ka, maganda ka"

Niyakap ko nalang bigla si Myka, dahil sa sobrang tuwa. Alam ko namang hindi n'ya ako mahihindian.

"Baby"

Kumalas ako sa pagkayakap kay Myka at hinarap si Kai na sobrang talim ang mga titig kay Myka.

"Primo" tawag ko sa kanya.

"Ops, niyakap lang ako ni Sam. Walang ibig sabihin yun. Gaya nga nang sabi ko, lalaki na gaya mo ang hanap ko" pag dedefense ni Myka sa sarili n'ya "Makaalis na nga, baka mamaya, mailibing pa ako nang buhay! Sam, dalian mong ayusin ang sarili, mag sisimula na tayo"

Tinanguan ko lang si Myka, at hinatid nang tingin. Pagkatapos nilingon ko si Kai at sinamaan nang tingin.

"Ano naman yang nasa isip mo?"

"Tss, ba't mo niyakap yun? Diba sabi ko, hindi ka basta-basta mangyayakap ng lalaki?" Madilim pa din ang aura n'yang nakatingin sa akin.

"Hindi yun lalaki, bakla yun"

"Kahit na, may buntot pa din yun sa baba"

"Tse"

Inis ko s'yang iniwan dun. Kahit kailan talaga, napaka possessive. Hindi naman ako papatulan ni Myka, dahil mas malandi pa yun sa babae. Grabe talaga ang laman nang utak nang Primong yun.

"O, handa ka na? Magsisimula na tayo" tanong sa akin ni Myka, pagkalapit ko sa cottage.

"Oo" sagot ko naman sa tanong n'ya.

"Sam, wag mong masyadong galingan yung pose mo. Baka makakatawag pansin ka nang mga lalaki, makakasapak pa nang wala sa oras si Prime"

"So anong gagawin n'ya, Clark? Tatayo lang s'ya d'yan na parang tuod, nang sa ganun hindi s'ya makatawag pansin? Ganun?"

"Kinakausap kita, bakla?"

"Tse!"

"Mag tigil nga kayo! Para kayong mga bata" suway naman ni Dustine kina Clark at Myka.

Natawa nalang ako, lalo na kay Myka. Alam kong crush n'ya si Clark, kaso parang nandidiri lang si Clark sa kanya. Hindi kasi bakla ang hanap ni Clark at Ethan, yung may pekpek kasi ang hanap nila.

"O, ba't dika pa nag bihis bunso?" Tanong naman ni kuya sa likuran ko, kakarating lang kasi nila. Bumili kasi sila ng pagkain, kasama sina Ethan at Almond.

"A, ito kasi ang gus-"

"Ayaw kasi ni Prime. HAHA" Putol naman ni Clark sa sasabihin ko.

"HAHAHA, Expected naman yun. Alam mo na si Prime" siniko naman ni Dustine si Ethan at inginuso si Kai na paparating sa kinaroroonan namin.

"Prime, ang ganda pala ni Sam sa suot n'ya, no?" Pang aasar naman ni Dieg kay Kai.

Sinabayan pa ito nang tawa nina Ethan at Clark. Nakisali na din si Kuya at Dustine, habang si Almond ay tahimik lang.

"Baka gusto n'yong matulog nang pang habang buhay?" Sabi naman ni Kai habang nakangiti ng parang demonyo.

"Naku! Basta ako, nanahimik ako dito" nag kandarapang napaupo si Clark sa upoan at patay malisyang kumakain.

"Ako din" pati si Ethan, hindi din alam ang gagawin. Inagaw n'ya pa nga ang popcorn na kinain ni Clark.

"Ako kumakain lang din ako. Ikaw ba Dustine? Anong ginagawa mo?" Tanong ni Kuya kay Dustine.

"Tss, nakatayo, ano paba?"

Pinanlakihan naman s'ya nang mata ni kuya. Mukhang hindi talaga na gets ni Dustine ang mga inasta nina kuya. Si Dieg, ayun, parang pagong na dahan-dahan nagtago sa pamamahay n'ya. Humalukipkip pa s'ya sa likud ni Myka.

"Magtigil nga kayo. Ikaw Primo, dito ka nga" tinuro ko yung bakanteng upuan sa tabi ko. Lumambot naman yung expression n'ya at dahan-dahang lumapit sa akin.

Nakita ko namang pawisan s'ya, kaya kinuha ko yong face towel ni kuya at ginawang pang punas sa pawis ni Kai.

"Ayeehh! Ang sweet ni Sam oh, Paniguradong kinikilig na si Prime n'yan"

"Oo nga, Clark. Kailan pa kaya ako makahanap nang ganyan na babae, yung tipong pupunasan yung pawis ko, pati na din yong pawis ko sa baba"

"Haha, yung puting pawis mo, Ethan?"

"Oo, sana! Hahaha"

"Kabastosan n'yong mga hinayupak kayo" binatukan naman sila isa-isa ni kuya. Si Dustine at Dieg naman at natatawa nalang sa inasta nila.

Kahit kailan walang ibang laman yung mga utak nila. Puro nalang kalaswaan. Kaya si Kai nahawa na din.

"Baby, anong kakainin mo?"

Napalingon naman ako kay Kai, dahil sa wakas nag salita na din ito.

"Kahit ano nalang"

"E, yung, special hotdog ko na may special white sauce? Ayaw mo nun?"

"Hahaha, ayan na naman yung special hotdog ni Prime" natatawang saad naman ni Dieg.

Sina Ethan at Clark ay nakatunganga lang, tila hindi na gets ang sinasabi ni Kai, pati na din si Kuya at Dustine, nakakunot lang ang noo.

Ako naman, ay naka nganga lang na nakatitig sa kanya. Parang na rinig ko na yan ah.

Special hotdog na may special white sauce?

*Paakk*

"Araayy!" Hiyaw n'ya dahil pinalo ko s'ya nang malakas sa braso n'ya.

"Gago, nahawa kana talaga sa mga hinayupak mong kaibigan"

Sinamaan ko s'ya ng tingin, pati na din sina Ethan at Clark, na tila ngayon lang na gets ang sinasabi ni Kai, dahil ngayun lang din sila humahagalpak nang tawa.


VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon