Kabanata 4
"Mr. Ferocious Exousía, we have a question for you. Is it true that you're part of an illegal group of Sero?" rinig kong tanong ng isang babaeng reporter.
Diretso lang ang aking tingin sa unahan. Nasa may gilid ako ng ginawang stage at mahigpit na binabantayan si Ferocious na nasa itaas ngayon ng stage habang komportable na nakaupo sa magandang silya. Nakatukod ang kaniyang siko sa lamesa habang ang kaniyang baba ay nakapatong sa likod ng kaniyang kamay.
He's in a presscon but his position is kinda like he's in a coffee shop while waiting for his damn order.
Napapairap na lang ako sa kaniyang pwesto.
"That's absurd. I might be a bad person but I won't do illegal things. My grandfather is an ex-General. Hindi ko dudungisan ang pangalan ng angkan namin." malamig ang boses na sagot niya.
Tanging pag-ismid ang ginawa ko dahil sa pagtutol sa kaniya. Hindi daw gagawa ng illegal na gawain? Huwag ako, Ferocious! Sa sama niyang tao? Hindi posible!
"Thank you for your answer." kuntento na sagot ng reporter na nagtanong.
Isang oras na ang press conference niya at hanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang mga itinatanong sa kaniya. Hindi naman sa naiinip ako pero kung ako ang tatanungin ay ayoko siyang magtagal dito. Kahit naman may galit ako sa kaniya ay kaligtasan niya ang inaalala ko.
"Next." sabi ng kaniyang sekretarya.
Napansin kong tumayo ang isang babae at may malawak na ngiti na itinaas niya ang microphone kasunod noon ay nagsalita agad siya.
"I'm Empress Emotin from Times Newspaper. I just want to ask you about your ongoing project on this year? Maraming artista po ang gustong maging ambasador ng bago niyong wine product. Follow up question, Totoo po bang may naging problema sa partnership niyo sa actress na si Shaina Lawas?" tanong niya.
It's my first time to know that his business is alcoholic drinks and beverages. Cool. Sa mukha pa lang niya ay halatang lasinggero siya.
"My business is going well. Maraming new projects na gagawin sa taon na ito. Maraming partnership between popular wine manufacturers kaya mas magiging busy pa ang kompanya ngayon. It's our first time to have a collaboration with other companies. May mga bagong beer products na ilalabas kaya busy ang lahat sa pag-aasikaso ng mga dapat ayusin sa pagpasok ng produkto sa market, we are all excited to know the consumers feedback." seryosong sabi ni Ferocious habang tinitingnan ang mga tao sa harapan.
There are two hundred plus people inside his company lobby. Dapat ay sa malawak na convention center ng kaniyang company building gaganapin ang press conference pero nag-request si Ferocious na sa lobby na lang para daw mabilis siyang makakalabas.
Ang weird ng gusto niya. Uwing-uwi na ba siya o tamad lang talagang maglakad?
"Tungkol naman sa actress na pinangalanan mo ay totoong hindi na siya tutuloy sa pagiging ambassador sa new product namin. It's a confidential information so I won't speak any further." pagpapatuloy na sagot niya.
Mukhang kontento naman din ang reporter sa isinagot niya kaya hindi na ito nagtanong pa.
"That's enough answer. Thank you." masayang pagpapasalamat ng babae at pagkatapos ay umupo na.
Walang reaksyon na tumingin ako sa babaeng tumayo upang sunod na magtanong kay Ferocious.
Ito ang mas inaabangan kong reporter. Unting-unting tumaas ang gilid ng aking labi noong magsimula siyang magsalita.
"Hi! Good afternoon, Mr. Exousía. I'm Soey from Patrol World. May nakapagbigay po kasi sa amin ng tip na may sinaktan daw po kayong baliw noong Nov. 22, sa kasagsagan ng welga ng mga empleyado niyo? Is it true?" malakas ang loob na tanong ng babae kay Ferocious.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
RomanceThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...