Kabanata 18
"Magkano na ang ipon natin?" tanong sa akin ni Ferocious habang nakatingin sa binibilang kong pera.
Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya. Muli kong ibinalik ang atensyon sa maliit na banga at inilagay doon ang pera namin. Napahaba ang aking labi dahil sa panlulumo. Nabawasan ko kaya kakaunti na ulit.
Bumili kasi ako kahapon ng kumot niya. Dalawang daan ang bili ko sa kumot. Mahal iyon dahil sobrang kapal at laki nito. Bumili din ako ng mga damit na pwede niyang gamitin sa pagtatrabaho. Ibinili ko na din siya ng bota. Ubos ang isang libo naming pera dahil sa mga binili kong gamit para sa kaniya. Nakabili naman kami ng apat na kilong bigas at mga de latang pagkain. May mga gulay naman kaming nakukuha sa paligid kaya medyo nakakatipid kami.
"1,459 pa lang." sagot ko sa kaniya.
Sinulyapan ko siya. Nakita ko ang mukha niya. Ang kaniyang noo ay nakakunot na naman at salubong na ang kaniyang kilay. Nakapatong ang kaniyang siko sa lamesa habang nakapatong sa kamay ang kaniyang baba.
"Is that all?" naguguluhan niyang tanong sa akin.
Tumaas ang kilay ko dahil sa kaniyang reaksyon. Bakit parang nagtataka pa siya? Iniisip niya ba na pinagtataguan ko siya ng pera?
"Oo. Bakit? Akala mo ba ay kinukupitan ko pa ang pera natin?" mataray na tanong ko.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya at pagkatapos ay tumawa siya at umiling. Umayos siya nang pagkakaupo sa kawayang upuan.
"No. I didn't say that. Hindi naman kita pinagbibintangan, Mahal. Gusto ko lang malaman kung bakit ang tagal nating makaipon nang malaki." natatawa na sabi niya sa akin.
Napanguso ako. Tiningnan ko lang ang natutuwa niyang ekspresyon. Malay ko ba? Para kasing nanghuhusga siya.
"Nagtaka ka pa! Syempre, ginagastos din natin sa pambili ng pagkain pati ng ibang pangangailangan!" mahinang sabi niya.
Nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Sumandal siya sa upuan at humalukipkip siya.
"Dapat nagtitipid ka pa." seryosong sabi niya.
Kanina lang happy siya tapos ngayon naman ay wala na ang paglambing sa boses niya. Napahaba ulit ang labi ko.
Kaya ko lang naman ginastos ang iba naming pera kasi naawa ako sa kaniya. Ibinili ko siya ng mga bagay na alam kong kailangan niya. Siya lang naman ang iniisip ko.
"Hello, Ferocious. Do you really want me to do that?" tanong ko. Bumuntong hininga ako.
Hindi niya ba nakita ang effort ko?
"Magtipid ka na." bilin niya sa akin.
"Hindi na kita ibibili ng mga pangangailangan mo." mahinang sabi ko sabay irap sa kaniya.
"Huwag na nga. Tipid muna." sabi niya.
"Magtitipid tayo? Saan sa pagkain?" may inis sa boses na sabi ko.
Nakita ko ang pagtaas baba ng kaniyang ulo. Napasandal ako dahil sa panlulumo. Sigurado ba siya?
"Yes. We should take a diet to save a bigger amount of money." sabi niya na ikina-ismid ko.
"Sa arte mong iyan? Gugutomin kita? Walang magda-diet. Mahirap na nga ang trabaho natin tapos gusto mo pang hindi kumain? Baka mamatay ka agad nang maaga. Pag-uwi mo sa Manila, bangkay ka na! Hindi pwede!" mariin na pagtutol ko.
Hindi siya pwedeng mag-diet. Hindi ko siya pwedeng tipidin sa pagkain. Paano na lang kung sa kakatipid namin sa pagkain ay bigla siyang magkasakit? Ayoko. Hindi iyon pwede sa akin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
RomanceThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...