Kabanata 10
"Boss F, are you ready to leave?" pambungad na tanong ko sa kaniya nang makapasok ako sa loob ng opisina niya.
Lumingon siya sa akin at nakita ko ang kaniyang naguguluhan na tingin. Hindi ba siya makapaniwala na babalik agad ako?
"Yes. I thought you were going somewhere?" tanong niya habang nakakunot ang kaniyang noo.
Sumilay sa aking mukha ang tipid na ngisi. Hindi na ako pumasok pa sa loob ng opisina niya at nanatili na lang ako sa may pintuan.
"Kababalik ko lang." sagot ko.
Napansin ko ang tipid na ngisi na sumilay sa kaniyang mukha. Kinuha niya muna ang kaniyang attaché case at pagkatapos ay tsaka niya ako tiningnan ulit.
"Matutuwa na ba ako dahil binabalik-balikan mo ako?" may pagkamangha na tanong niya sa akin kaya ako napangisi.
Dapat lang talaga siyang matuwa.
"You should. Sa ganda ko ba naman ay sobrang suwerte mo talaga dahil binabalikan kita." mapagbiro kong sabi.
Napansin ko na mas lumawak ang pagkakangiti niya. "I completely agree."
"Na maganda ako?" nagmamalaki na tanong ko.
"Na ako lang ang dapat mong balik-balikan." may kasiyahan na sabi niya na ikina-wala ng ngiti ko.
Tawa ang lumabas sa kaniyang bibig noong makita niya ang reaksyon ko. Lagi naman siyang natutuwa tuwing napipikon ako.
"Dapat lang. Ako lang dapat. I might be selfish but I should be the only one whom you should protect." may kung ano sa boses niya habang sinasabi iyon.
Tuwa?
Umiwas ako nang tingin sa kaniya at pagkatapos ay tumalikod na agad ako nang walang pasabi sa kaniya. Humakbang ako upang simulan ang paglalakad. Narinig ko ang pagsunod niya sa akin dahil sa mabibigat na yapak niya.
"You're mine." mahinang sabi niya na bahagyang ikinatigil ko sa paglalakad.
Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya. Nilalandi na naman ba niya ako? Pansin ko ang malawak niyang ngiti habang tinitingnan ako.
Pa-fall? Bakit ngumingiti siya ng ganyan? Malandi!
"What?" hindi makapaniwala na reaksyon ko.
Nawala ang kaniyang mapang-asar na ngiti at napalitan ito ng seryosong ekspresyon. Heto na naman siya sa pagiging mapagbiro niya tapos magiging seryoso.
"I mean.. you're mine as a bodyguard." paglilinaw niya sa kaniyang sinabi kanina.
Umayos ang reaksyon ko. Mula sa panlalaki ng aking mata ay bigla itong naningkit na para bang tinitingnan kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
"Okay."
Nang makita kong seryoso talaga siya ay tumango na lang ako at pagkatapos ay umiwas ako sa kaniya nang tingin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Naramdaman kong sumunod siya sa akin dahil nadanggil ko ang kaniyang attaché case na dala dala.
Nakarating agad kami sa labas at napansin kong nakaparada na ang mga gagamitin naming sasakyan.
"Ready na ba ang lahat?" tanong ko sa kabilang linya.
Narinig ko agad ang sagot ni Alpha Serño kaya napatango ako. Ang ibang bodyguards ay pumasok na sa kanilang kotse na sasakyan.
Pinasadahan ko nang tingin si Ferocious na ngayon ay nakatingin lang din sa akin.
"Pasok na po sa kotse." magalang na sabi ko sa kaniya.
Nakita ko kung paano sumilay ang nakakaloko na ngiti sa kaniyang mukha. Inabot niya ang door hinge at binuksan niya ang pinto ng kotse.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
RomanceThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...