Kabanata 2
The next day is just an ordinary day. Wala na akong assignment na gagawin. My dad wants me to have a vacation. Kakagising ko lang kaninang umaga at ibinungad na agad niya ang pamimilit sa akin na magbakasyon muna ako.
Ayoko. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya iyon pero hindi parin niya ako pinapakinggan sa gusto ko.
"You have a new mission, Anthonette?" pagsasalita ko habang nilalapitan siya.
Kakalabas niya palang sa opisina ni Corporal Ilmora at napansin ko na agad ang malawak niyang pagkakangiti habang tinitingnan ang hawak niyang folder.
"Yes. Hindi muna ako pinasama ni Corporal sa misyon sa Mindanao. May importante kasi akong assignment." masigla niyang sambit at pagkatapos ay isinarado niya ang folder.
Sumilay sa aking mukha ang ngiti dahil sa kasiyahang nakikita sa kaniya. Seryoso siyang tao kaya naman tuwing nakikita ko siyang masaya ay nagiging masaya din ako.
"You seems happy? Ngayon lang kita nakita na ganyang kasaya." puna ko sa kaniya.
We're been friends for the last five years. Nagsimula kaming maging magkaibigan noong pumasok kami sa kampo at mas lalong tumibay ang pagkakaibigan namin noong naging ganap na kaming sundalo.
Maloko akong babae habang siya naman ay seryoso. Kung ako naman ay pikon siya naman ay mahaba ang pasensya.
Napansin kong kumislap sa saya ang kaniyang mga mata. Marahan niya akong hinawakan sa braso at pagkatapos ay ihinila niya ako kaya napasunod ako sa kaniyang paglalakad.
"Pag nagawa ko nang maayos ang misyon ko ay ito na ang simula ng pagtupad ko sa pangarap ko." Makahulugan niyang sabi.
Pangarap? Anong koneksyon noon sa misyon niya?
Naalala ko kung ano ang pangarap niya. Ang maikasal sa lalaking matagal niya nang minamahal. Masyadong mababaw pero iyon ang gusto niya.
Pag ba naging maaayos ang misyon niya ay magpapakasal na siya?
"Why? Are you getting married after your mission?" Pagtatanong ko sa kaniya.
Nakaramdam ako ng kuryosidad dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala ang pakakasalan niya. Ang tagal na naming magkaibigan pero hindi niya pa pinapakilala sa akin ang kaniyang mapapangasawa.
Hindi ko itatanggi na nagtatampo ako sa kaniya dahil hindi siya open sa akin sa bagay na iyon pero naisip ko din na irespeto na lang ang desisyon niya.
May kaniya kaniya kaming privacy. Kung gusto man niyang itago ang tungkol sa bagay na iyon ay ayos lang. Hindi naman noon mababawasan ang pagkakaibigan namin.
Hindi naman batayan na dapat ay alam niyo ang mga bagay bagay sa isa't isa upang masabi na magbestfriend nga talaga kayo. Sapat na iyong compatible kayo sa isa't isa, nagkakaintindihan, at inire-respeto niyo ang paniniwala ng bawat isa.
May ibang tao kasi na nagagalit pag hindi sinasabi ang sikreto ng kaibigan, tapos pag naman nagkaaway ay ilalantad ang sikreto. Alam niyo nga ang sikreto ng isa't isa pero hindi naman tunay ang pagkakaibigan niyo.
Ang tunay na kaibigan kahit na maipit pa sa isang napagkahirap na sitwasyon ay hindi ka ilalaglag, at ibabaliktad.
"Yes, Elle. And I'm very excited to finish this mission in a short period of time." masayang sabi niya.
Panandalian naputol ang aming usapan noong may bumati sa amin na kapwa sundalo. Malawak ko siyang nginitian at gumanti din ng ngiti ang lalaking sundalo. May inibigay siyang isang tsokolate kaya tinanggap ko iyon.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
RomanceThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...