Kabanata 22
"Mahal, uminom ka muna ng tubig bago tayo mamuti ng talong. Nadala mo ba ang bimpo? Huwag ka na kayang sumama sa akin. Sobrang init mamaya sa taniman. Dito ka na lang, Mahal." napatigil ako sa pagsusuot ng bota.
Nilingon ko si Ferocious. Napansin ko ang nakakunot niyang noo. Titig na titig siya sa akin na parang alalang-alala.
"Mahal, gusto kong sumama. Gusto ko ding pumitas ng talong sa puno nito." sabi ko at pagkatapos ay nginitian ko siya.
Gusto kong maranasan na pumuti ng talong. Pumuti means pipitasin sa puno. Nakakatuwa dahil pa mula nang mapunta kami dito ay marami na akong natutunan na words na pang-probinsya.
"Masyadong mainit baka himatayin ka?" nag-aalala na sabi niya.
Umayos ako sa pagkakaupo ko sa kawayang upuan. Malayo kami ni Ferocious sa kubo kaya walang makakakita sa amin. Alas-siyete pa lang at naghahanda kami sa trabaho. Hindi pa narating sina Aling Etang kaya hindi pa kami nagsisimula. Mamayang alas-otso pa daw ang dating nila.
Nagpunta muna kami ni Ferocious sa kabilang burol para dito tumambay at mag-ayos ng sarili. May upuan dito na kawayan para pwedeng tambayan ng mga trabahador.
"Mahal naman, nakalimutan mo na ba na sundalo ako? Sanay ako sa init." sabi ko.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at pagkatapos ay pinisil ko ito. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Ayoko lang kasi na mainitan ka." seryosong sabi niya na ikina-tawa ko.
Ayaw niyang mainitan ako. Wala ba siyang alam sa training ng sundalo? Mas mabigat at malala pa ang ginawa namin doon. Halos ibilad din kami sa kainitang tapat.
"Nag-aalala ako sa'yo, Mahal." Malambing na sabi niya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
Ang puso ko ay nagwawala na naman sa aking dibdib. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa mga pisngi ko.
"Huwag ka ngang magsabi ng ganyan. Pinapakilig mo na naman ako." maliit ang boses na sabi ko.
Sumilay ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan siya. Lagi na lang siyang ganito....nagpapakilig lagi. Yung puso ko tuloy ayaw nang kumalma.
"Elle, sabihin mo kay Aling Etang na maghuhugas ka na lang ng talong." Pamimilit niya sa akin.
Umiling ako at pinisil ko ang kaniyang mukha. Napansin kong napangiwi siya kaya natawa ako.
"Hindi na. Gusto kitang kasama. Magsasaklob na lang ako." sabi ko.
Gusto ko na maranasan ang bagay na ginagawa niya. Gusto kong makasama siya lagi habang nandito pa kami sa probinsya. Gusto ko lagi siyang nasa tabi ko. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pag bumalik kami sa Manila.
Magiging busy siya sa trabaho niya habang ako naman ay busy sa pagbabantay sa kaniya. Kakaunti na lang ang magiging oras namin sa isa't isa.
Dito marami kaming oras. Lagi kaming magkasama.
"It's so hot, love. What if you get some sunburn on your skin?" aniya.
Tinawanan ko lang siya at pagkatapos ay pinisil ko ulit ang pisngi niya. Inalis ko na din agad ang kamay ko sa mukha niya. Nawili ako sa paghawak sa kaniya. Nakalimutan kong nasa public na lugar nga pala kami. May mga tao parin sa paligid, baka biglang may sumulpot. Nakakahiya maging clingy.
"Okay lang. Basta gusto kong tumulong sa'yo." tanging sagot ko sa kaniya.
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. Inilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/169775311-288-k350183.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
RomanceThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...