Kabanata 6

100K 3.3K 823
                                    

Kabanata 6

"Please, Ferocious. Give one more chance." pagmamakaawa ni Gretchen habang nakaluhod siya sa harap ni Ferocious.

Walang reaksyon ang lalaki. Pinagmamasdan niya lang ang babaeng nasa harapan niya. Iling ang tanging nagawa ko habang pinagmamasdan ang drama sa aking harapan.

Tatlong linggo na ang lumipas mula noong magkaroon ng barilan. Balik ulit sa dati. Pumapasok parin si Ferocious sa opisina niya.

Atapang a tao parin siya! Ayaw munang mag-lie low.

Nakatayo lang ako sa tabi habang nakikinig sa usapan nila. Nakaupo lang si Ferocious sa kaniyang swivel chair habang tinitingnan ng walang kaamor-amor ang kaniyang kasintahan.

Girlfriend pa ba? It's an ex-girlfriend.

Lima kaming bodyguards na nanonood sa tila ba drama, ngayong alas-tres ng hapon. Parang nanonood lang ng teleserye sa Kapamilya Gold.

"You fucking cheated on me! Alam mo na ayoko sa mga manloloko! Hindi ako tanga para bigyan ka pa ng pagkakataon!" pigil ang galit na sabi ni Ferocious.

I know he's just preventing his anger from bursting out. I teach him how to be calm, and hold his anger. I don't want him to do something stupid because of his raging emotion. Killing is not an option. It's a sin that he needs to avoid.

"Get out my house!" pagpapalayas na sabi niya.

"I'm your fiance!" Sagot ni Gretchen kaya narinig naming lahat ang pananunuya na tawa ni Ferocious.

"So? I don't care if you're my fiance! Get out! Do you want me to drag you out of my house?" gigil na tanong Niya.

"Ferocious, please. Let's fix our relationship." Desperada na sabi ni Gretchen.

Sa ilang linggo na lumipas ay pigil na pigil kong pumunta si Ferocious sa ospital upang bisitahin ang babaeng ito, dahil malaki ang posibilidad na baka kung ano ang gawin niya dito.

A madman can kill. Ferocious is not an exception.

Sobrang lakas pa ng loob ng babaeng ito para pumunta dito. Mabuti na lang ay kalmado pa ang lalaking ito. Pasalamat ang babaeng ito na tinuruan ko si Ferocious na hawakan ang galit niya upang maging kalmado.

"Magkukusa kang umalis sa bahay ko o ipapa-kaladkad kita na parang aso?" Malupit na pagbibigay niya ng option sa babae.

"No! Mahal mo ako diba? Mahal mo ako kaya pakakasalan mo ako! Hindi mo ako pwedeng itapon na lang basta!" malakas na sigaw ng babae.

Halata sa boses niya ang pagmamakaawa at pagiging desperada. Hindi siya makalapit kay Ferocious dahil takot itong maputukan ng baril sa sintido. Nakapatong kasi ang baril ni Ferocious sa kaniyang lamesa.

Kakatapos lang kasi nitong maglinis ng baril bago ito dumating.

"Mahal? Are you fucking kidding me? Sinong may sabing mahal kita?" may pang-aasar na sabi niya.

"What do you mean by that?"

"Gusto lang kita. You're good at bed. Masarap kang ikama pero hindi ko sinabing mahal kita!" Mariin na sabi ni Ferocious tapos ay tumawa siya nang malakas.

"You're a fucking jerk! Then why did you propose to me?" Galit na tanong ng babae.

"For Business purpose!" Tipid na sagot ng lalaki.

"Ferocious!"

"Ayos na sana. But you fucking cheated on me! Ayokong may nakikisawsaw sa butas na dapat ay akin lang." bulgar na sabi niya na ikinailing ko.

The Billionaire's Gorgeous KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon