Kabanata 21

90.1K 2.8K 563
                                    

Kabanata 21

Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa bewang ni Ferocious at mas inilapat ko pa ang aking katawan sa kaniyang likod. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Huwag kang tumawa." mahinang sabi ko habang kinukurot ang kaniyang tiyan. Abs pala.

"Takot ka, ha? Don't worry, Mahal. Hindi naman kita ilalaglag." sambit niya. Halata ko sa boses niya ang kasiyahan.

"Pag ako nalaglag dito sa kabayo. Yari ka sa akin." may pagbabanta na sabi ko.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napanguso ako. Lumuwag ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"Huwag kang matakot. Nandito lang ako, Elle. Kung malaglag ka man, hindi ako papayag na sa kabayong ito. Sa akin ka dapat mahuhulog." sambit niya.

Gasgas na ang linyahan niya. Wala na bang bago? Narinig ko na sa mga teleserye ang mga salitang iyon.

"Ang landi mo na naman." nakangisi na sabi ko.

Hindi ko mapigilan na kiligin dahil sa kaniya.

"Sa'yo nga lang kasi lalandi." masayang sabi niya kaya napahampas ako sa abs niya.

Hindi naman siya dumaing sa ginawa kong pananakit at natawa lang siya. Napatawa na lang din ako. Para tuloy kaming mga sira na tawa nang tawa.

"Ayos lang ba kayo d'yan, Elay at Pikachos?" nag-aalala na tanong sa amin ni Aling Kami.

Napalingon ako sa kanan upang tingnan silang mag-asawa. May ngiti sa labi na tumango ako. Nakasakay din sa kabayo sina Aling Kami. Katulad ko ay nakayakap din siya sa likod ng asawa niya.

"Opo."

Naramdaman kong hinigpitan ni Ferocious ang pagkakahawak ko sa bewang niya. Napasubsob ulit ako sa kaniyang likod. Imbis na lumayo sa kaniya ay isiniksik ko pa ang aking sarili sa likod niya. Napanguso ako nang maamoy ko ang mabango niyang natural na amoy.

Amoy pogi!

Inalis din naman niya ang isa niyang kamay na nakahawak sa kamay ko. Ibinalik niya na siguro sa lubid para hawakan ito.

Kahapon ay niyakag kami ni Aling Kami na sumama sa kanila sa gitna ng bundok. Walang pag-aalinlangan naman na sumama kami. Experience din kasi at matagal ko ng gusto na makaakyat sa bundok.

Ang daan paakyat sa bundok ay maganda. Hindi nahihirapan na makaakyat ang kabayo. Pwede nga ring lakarin pero mas pinili ni Mang Juan na sumakay na lang kami sa kabayo para mabilis.

Pupunta kami sa gitna ng bundok upang makita ang Birheng Maria. Magdadasal daw sina Aling Kami at Mang Juan sa Birheng Maria na nasa bundok.

Naglalakihan ang mga puno kaya kahit alas-onse ng tanghali ay medyo madilim sa dinadaanan namin. Kakaunti kasi ang sinag ng araw na lumalampas sa mayayabong na mga puno.

Mabagal lang ang paglalakad ng kabayo. Sa pagliwanag ng paligid ay napatingala agad ako. Nakita ko ang magandang kalangitan. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid at namangha ako nang makita ko ang malaking estatwa ng Birheng Maria.

Malapit na kami. Tanaw ko na ang pupuntahan namin. Napahanga ako sa ganda ng Birheng Maria. Medyo nagpa-fade na ang pintura pero maganda parin ang kulay nito. Sa palagay ko ay fifteen feet ang taas nito.

Napaiwas ako nang tingin sa birheng Maria. Naglalakad parin ang kabayo at sumusunod lang kami sa mag-asawa. Iginala ko ang paningin ko sa kabilang parte at napanganga ako nang makita ang magandang tanawin. Kitang-kita namin ang city na nasa malayo. Sobrang liit lang nito pero kita parin ng konti. Sobrang lawak ng kagubatan sa ibaba.

The Billionaire's Gorgeous KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon