Kabanata 40
"Ipaliwanag mo sa akin ang lahat, Ferocious." sabi ko sa kaniya.
Tumungo siya kaya napaayos ako sa pagkakaupo sa sofa sa living room namin. Matapos naming mamamasyal ay umuwi na din kami upang makapagpahinga si Vicious. Nakatulog agad sa byahe si Vicious. Tahimik lang naman kami ni Ferocious dahil sinabi ko sa kaniya na mas magandang i-save niya muna ang paliwanag niya pag nakauwi na kami.
Nang makarating kami ay dinala na sa kwarto at inihiga na agad ni Ferocious si Vicious sa kama niya.
"I'm sorry." paghingi niya ulit ng tawad sa akin.
Napapailing na napasandal ako sa sandalan ng sofa. Ikinumpas ko ang kamay ko upang patigilin na siya sa paghingi sa akin ng tawad.
"Ilang beses ka nang humingi ng tawad sa akin. Sabihin mo na sa akin ang mga paliwanag mo." saad ko habang tinitingnan siya sa mata.
Tumunghay siya kaya napansin ko ang malamlam niyang mga mata. Sinubukan kong maging seryoso habang tinitingnan siya.
"I planned everything, Elle. Perpekto kong pinalano ang lahat para mapapunta ka sa akin." panimula niyang sabi sa akin.
I know that already. Nasabi na naman niya sa akin ang bagay na iyon. Siguro ay kaya niya sinasabi dahil akala niya ay nalimutan ko na ang tungkol doon.
"Ayokong sabihin ito pero ang galing mong magplano, Ferocious." mahina kong sabi.
Napansin ko ang pagsilay ng tipid na ngiti sa kaniyang labi. I know that look. He's flattered because of my compliment.
"Should I say thank you for the compliment?" sabi niya kaya napaismid ako.
"Hindi! Sarkastiko iyon. Tuloy!" mataray na sabi ko sa kaniya.
Napansin kong nawala ang tipid na ngisi sa labi niya. Lumambot na naman ang ekspresyon ng mukha niya. Para na naman tuloy siyang tuta na nagpapaawa.
Akala niya ba ay umuubra sa akin ang paawa effect niya? Hinding-hindi ako magmamatigas. Syempre, talagang nadadala ako sa paawa effect niya sa akin. Marupok kasi ako.
"Pinalano ko ang lahat para maging keeper kita. Maraming gustong pumatay sa akin pero hindi naman nila ako mapapabagsak. I have many keepers, they can't kill me. Hindi ko sila pinoproblema. Some of my death threats are fraud. Gawa gawa ko lang ang mga ito. Humingi ako ng tulong sa military upang bigyan nila ako ng keeper na sundalo." paliwanag niya kaya napahawak ako sa aking noo.
Kaya pala minsan ay napapansin ko ang butas sa mga pag-atake sa kaniya.
"I recommend you as my keeper but they take down my offer. I think your father did it. The General choose Anthonette Delos Santos but I managed to solve my problem. Ipinag-utos ko na banggain ang sasakyan niya. Akala ko ay may kakailanganin pa akong gawin para ikaw ang maging keeper ko pero tila ba sinuwerte ako noong makita ka sa mansyon ko at nagpakilala bilang protector ko. I'm so excited to see you, Elle." pagpapatuloy niya.
"Nagawa ko ang plano. Mas napaniwala ko kayo na may gusto ngang pumatay sa akin. Bakit nga ba gusto kitang mapalapit sa akin? I want revenge, Elle. Gusto kong makaganti sa kapatid mo dahil sa pagpatay niya sa kapatid kong babae. Patay na ang kapatid mo pero dahil puno ako ng galit at pagkamuhi ay sa'yo ko ibinuhos ang lahat. I want to make your life miserable but, I realized that it's not enough. It's too simple. Papatayin na sana kita sa ambush papunta sa Batangas then something happened."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
RomanceThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...