Kabanata 30

92.1K 2.2K 200
                                    

Kabanata 30

Nakita kong itinapon ng babae ang hawak niyang manika at pagkatapos ay kinuha niya ang baril niya. Itinutok niya din ito sa akin.

Hinanap ng mata ko si Ferocious. Tatlong dipa ang layo niya sa akin. Nakita ko sa mukha niya ang pagkainis.

"Sinong nag-utos sa inyo?" Tanong ko sa lalaking may kulay pula na buhok.

Napansin ko ang nakakainsulto niyang ngisi sa akin. Matapang ang ekspresyon ng mukha niya. Mariin na nakatutok sa akin ang baril niya.

"Isa sa inyo." makahulugan niyang sabi sa akin.

Nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa kaniyang sinabi. Isa sa amin? Si Anthonette ba?

"What do you mean by that?" mariin kong tanong.

"Isa sa inyo ang mamamatay." sabi niya at pagkatapos ay tumawa.

Naramdaman ko ang pag-usbong ng galit. They want to kill Ferocious.

"Bullshit!" Rinig kong mura ni Ferocious.

"Gago! Kayo ang malilibing six feet below the ground." may inis na sabi ko.

"Huwag niyo kaming murahin. May makakaligtas naman sa inyo. Huwag kayong mag-alala." nakakalokong sabi niya. Lumakad siya palapit sa akin.

"Hindi ba, Miss?" tukoy nito kay Anthonette.

Hindi ako nagpatinag at nagpadala sa takot. Mas inayos niya ang pagkakatutok ng baril sa akin. Isang maling galaw ko ay pasasabugin niya ang bungo ko. Dapat ay makuha ko ang baril ko sa may bewang para maunahan siya.

"Ikaw ang hindi makakaligtas." Mariin na sabi ko. Nginisian niya ako at pagkatapos ay dumura siya.

Napalipat ang tingin ko sa babae dahil nagsalita siya. "You will die tonight." sabi niya.

"Really? Baka ikaw ang mamamatay." mariin kong sabi.

"Tingnan natin." sabi niya. Pagkalapit ng lalaki sa akin ay agad kong sinipa ang baril niya.

Napansin ko lumaban na din ang dalawa kong kasama. Hindi ko na naman sila napagtuunan pa nang pansin dahil may kalaban ako.

Tumaksik ang baril niya sa kalsada at agad kong kinuha ang aking baril sa may bewang. Nakita kong kukunin niya na ang baril pero itinutok ko ang baril ko sa kaniya at agad ko siyang binaril sa tagiliran. Hindi pa ako nakuntento at pinatamaan ko pa siya sa may balikat. Bumagsak na siya sa sahig habang iniinda ang tama ng baril.

Pinuntahan ko muna si Ferocious na ngayon ay medyo malayo na sa akin. Wala na siya sa kalsada. Nasa may parte na sila kung saan ang tinutungtungan na nila ay lupa. Nakita kong pinaputukan ni Ferocious ang lalaki pero agad itong nakaiwas at nagtago sa likod ng sasakyan. Mabilis akong nakapunta sa pwesto ni Ferocious. Tatanungin ko na sana siya kung ayos lang siya pero may biglang sumugod sa amin na dalawang lalaki.

Itinutok nila sa amin ang baril nila. Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil sa inis. Nanunuyang ngiti ang nakita ko sa mukha ng lalaki na nay hikaw.

"Ibaba niyo ang baril niyo." utos niya sa aming dalawa.

Medyo malayo sila sa amin kaya kinalkula ko sa isip ko ang dapat gawin. Nakaisip ako agad ng paraan. Marahan akong humakbang ng dalawang beses palapit kay Ferocious. Mas itinutok ng dalawang lalaki ang baril sa amin.

"Act like you were going to put down your gun. Pero kumuha ka ng isang dakot na lupa sa baba. Do you understand, Ferocious?" sobrang hina kong bulong.

I know that they won't hear me. Malayo pa kasi ang pagitan nila sa amin.

The Billionaire's Gorgeous KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon