Kabanata 35
"Kuya, there's a butterfly! Look!" masaya kong sigaw habang itinuturo ang paru-paro na nakadapo sa santan na nasa garden.
"Yes. Do you want me to catch it?" tanong ni Kuya.
Nang lumingon ako sa kaniya ay nakita ko ang nakangiti niyang mukha. Humaba ang nguso ko at pagkatapos ay umiling ako.
"Of course not! Hayaan mo po siyang lumipad." sabi ko at pagkatapos ay humagikhik ako.
"Why? Ayaw mo bang alagaan siya?" tanong ni Kuya.
Umiling ako at pagkatapos ay tumingin ako sa paru-paro na nanatiling nakadapo sa bulaklak. Maganda siyang alagaan pero hindi ko kakayanin na makita siyang nakakulong.
"Ayoko po, Kuya. She's too beautiful. I can't afford to see the butterfly in a cage, losing her freedom to fly. I want them to fly freely." may ngiti sa labi na sabi ko.
"Lahat ng hayop at tao ay may karapatan na magkaroon ng kalayaan." Pagpapatuloy kong sabi.
"Tama ka, Bunso. So, if ever time will come, you should take your freedom. Huwag mong hahayaan na kunin ng kahit sino ang kalayaan mo." sambit ni Kuya sa akin.
Masayang lumapit ako sa kaniya at pagkatapos ay itinaas ko ang aking kamay upang magpabuhat sa kaniya.
"I will, Kuya." sabi ko habang binubuhat niya ako.
Parehas kaming nakatingin sa magandang paru-paro.
"You should live and continue flying. Pilit mong abutin ang kalayaan mo kahit na pilit nila itong pinipigilan." sabi ni Kuya sa akin.
Tumango ako at pagkatapos ay itinaas ko ang aking maliit na kamay.
"I, Elle Clarke, promise you to be free as a beautiful butterfly. Flying happily with my wings symbolizes freedom." pangangako ko sa kaniya.
Napansin ko ang paglingon sa akin ni Kuya. Hinalikan niya ang aking pisngi at masaya siyang tumawa.
"Don't let someone engage you, Elle." Bilin sa akin ni Kuya.
"I promise," I said and then I slowly hugged his neck.
*
"How was your day, Elle?" tanong sa akin ni Kuya kaya napalingon agad ako sa may kusina.
"It's so good, Kuya." masayang sabi ko habang tumatakbo sa kaniya.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa Barbie na lunch bag ko. Yumakap agad ako sa kaniya nang mahigpit.
"Did you eat your lunch?" tanong niya sa akin.
"Opo. Sobrang dami po ng niluto ni Mom. I shared it with my classmates." bibo na sabi habang tumitingkayad.
"Good. Kung marami ang mga pinadala sayo ni Mom ay ipamigay mo na lang sa iba. Don't waste your food. Do you understand, Elle?" Pagbibilin niya sa akin kaya masaya akong tumango.
"Yes po, Kuya." sabi ko.
"Lumalaki ka na, Elle." masayang puna niya habang inaakay ako papunta sa dining table.
"I'm eight years old." Sabi ko kaya ginulo niya ang buhok ko.
"Malapit ka ng maging dalaga." sabi niya pero umiling ako sa kaniya.
"Pero baby mo pa rin ako, diba?" nagpapa-cute na sabi ko. Inilabas ko ang maganda kong ngipin habang ipinupungay ang aking mata.
"Oo naman. Ikaw lang naman ang nag-iisa kong baby sister. You'll forever be my baby." may giliw na sabi niya habang niyayakap ako.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
RomanceThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...