Kabanata 8

93.2K 3K 993
                                    

Kabanata 8

"Corporal, why are you here?" tanong ko nang makita ko siyang nakaupo sa aming sofa.

He's so early. Kakababa ko lang galing sa hagdan at bigla siya agad ang makikita ko? He's an unexpected visitor. I don't want to be rude so, I just smiled at him.

Ngumiti din siya sa akin. "I just want to see you."

Gwapo siya pero hindi ko siya type.

Umupo ako sa kabilang sofa. Kaharap ko siya kaya mas maayos naming nakikita ang isa't isa.

"Ah, I've been busy this past few months. Hindi kasi madaling bantayan si Ferocious kasi sobrang dami niyang schedule at meetings." paliwanag ko habang nakanguso.

Naalala ko na naman ang lalaking iyon. Napangiti ako sa kawalan nang maalala ko ang pikon niyang mukha tuwing nananalo ako sa debate namin.

Nawala lang ang ngiti ko noong narinig kong tumikhim si Maxton Ilmora.

"First name basis?" kunot noo niyang tanong sa akin.

"No. I just want to call him that because I want to pissed him off. Tinatawag ko talaga siyang Boss F." biglang paliwanag ko.

Naalala kong hindi nga pala pwedeng tawagin sa pangalan ang ace. Nasa kontrata iyon. Dapat Boss or Sir. Basta formal na tawag. Matigas lang talaga ang ulo ko.

"Means Boss Fucker." mahinang sabi ko na alam kong hindi niya narinig.

"Close na kayo?" He asked me while looking at me intently.

"Hindi naman." tipid kong sabi.

Hindi naman kami close. Baka ibang close pa. Close na magkasakitan.

Hindi nakalampas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamay niya. Kumunot ang noo ko dahil dito.

"Don't." mahinang sabi niya kaya mas lalo akong naguluhan.

Anong don't?

"Huh? Hindi kami close. Lagi nga kaming magkaaway."

"Mabuti. Huwag kang makikipag-close sa kaniya." Mariin niyang sabi.

Marahan na umiling ako sa kaniyang reaksyon. Hindi ko talaga ito gagawin kahit hindi niya ako utusan. Sariling desisyon ko ang susundin ko, hindi dahil sinabi niya.

"Bakit naman?" nakataas ang kilay na tanong ko.

Alam ko na ang sagot doon pero gusto kong marinig sa kaniya.

"Nagseselos ako." diretso niyang sabi na ikinatawa ko nang malakas.

Walang pakialam ang mga katulong kahit marinig nila ako. Nakaalis na si Mama at Daddy kaya walang makakakita sa akin na parang baliw kung tumawa.

Hindi naman sa iniinsulto ko siya dahil tinawanan ko siya sa sinabi niya. Gusto ko lang iparating sa kaniya na parang kabaliwan iyon.

Nagseselos?

"Don't be jealous, okay? You don't have a right to be jealous." sabi ko.

Hard man pakinggan pero mas maganda na yung direct to the point. Ayokong magpaasa. Alam niyang ayaw ko sa kaniya. Sinasabi ko ang mga gusto kong sabihin para naman kahit papaano ay magising siya sa kabaliwan niya sa akin.

"Elle, we have a deal." mariin niyang sabi sa akin.

Kita ko ang inis na sumilay sa kaniyang mga mata. Malalim akong napabuntong hininga.

"Hindi ko nakakalimutan." mahinang sabi ko.

"Akin ka pagkatapos ng misyon mo." seryosong sabi niya na ikinahulog ng panga ko.

The Billionaire's Gorgeous KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon