Kabanata 33

112K 2.9K 1.2K
                                    

Kabanata 33

Nasabi ko na sa magulang ko na buntis ako. They are disappointed with me. Sobrang stress ako at papalit palit din ang emosyon ko dahil sa hormonal imbalance sanhi ng pagbubuntis. Nang sabihin ko sa kanila na buntis ako ay nagkaroon ng sagutan sa pagitan namin ni Mommy. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan.

Ilang araw nila akong hindi inimikan pero noong makita nila akong umiiyak ay agad nila akong dinamayan. Sinabi ni Daddy na kunwari lang daw silang galit sa akin kaya hindi nila ako pinapansin. Parang gusto nila akong magsisisi sa ginawa kong pananagot sa kanila.

Masaya sila habang inaalagaan ako. Tanggap naman nila ako at ang magiging apo nila kahit na wala akong maipakilala na ama ng anak ko. Nanatiling tikom ang bibig ko na magkwento tungkol kay Ferocious. Hindi ko pa kayang mag-open up sa kanila dahil baka mas lalo akong malugmok sa sobrang lungkot at sakit.

Tuwing nakikita nila akong umiiyak ay agad nila akong pinapatawa at kinukwentuhan. Sila ang naging sandalan ko tuwing nalulungkot ako.

Pinag-maternity leave ako ni Daddy. Alam kong ang maternity leave na iyon ay gagawin niyang resignation.

Makalipas ng ilang araw mula noong makapirma ako ay dumating ang sulat galing sa kampo at naka-attach doon ang copy ng resignation ko.

Wala na akong nagawa. Kung doon si Daddy magiging masaya ay pababayaan ko na lang. Magpo-focus na lang ako sa anak ko.

Napansin ko ang tumigil na kotse sa aking harapan. Napatigil ako sa pagkain ng fries na binili ko sa Fastfood chain. Nagyaya si Orbani na kumain sa fastfood chain kaya agad kong pinaunlakan ang paanyaya niya. Mas nauna siyang umalis dahil may annual meeting pa siya sa kompanya niya.

Kunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang bintana na unti-unting bumababa.

"Ikaw po ba si Miss Elle Clarke?" tanong sa akin ng isang lalaki.

Salubong ang kilay na tumango ako. Nakita ko na ngumiti ang matandang lalaki sa akin.

"Ako nga po. Bakit po?" tanong ko.

Hindi naman siya mukhang masamang tao pero kailangan ko pa rin na mag-ingat dahil hindi ko siya kilala at higit sa lahat parang may mali dahil kilala niya ako. Bakit niya ako kilala?

"Pinapasundo ka po ni Mr. Ferocious Exousía." sagot niya na ikinatigil ko.

Nahulog ang hawak kong fries habang nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"H-huwag mo nga po akong lo-kohin, Manong." nauutal kong sabi. Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa sinabi niya.

Tama ba ang pagkakarinig ko? Pinapasundo ako ni Ferocious?

"Hindi po ako nagbibiro, Ma'am." magalang niyang sagot sa akin.

"Si Fe-rocious? B-buhay siya?" sambit ko. Kinagat ko ang ibaba kong labi nang maramdaman ko na nangangatal ito.

Is this even real? He's dead...I saw his tattoo and his hair... I know it's him...

Muli akong napatigil at napaisip. Hindi ko nga pala tiningnan ang mukha niya. Wala na din akong naging balita kung saan dinala ang bangkay. Hindi na ko nakibalita pa dahil baka mas lalo akong mawala sa tamang pag-iisip.

"Opo. Kakauwi niya lang po galing Greece. Pinadala po ako dito upang sunduin ka." paliwanag niya.

Lumunok ako at hindi ko na napigilan ang mga luha na pumatak sa aking mata. Humakbang ako palapit sa kaniyang kotse.

"Are you telling the truth, Manong?" pag-uulit na tanong ko. Pilit kong sinisigurado kung totoo.

Hindi pa rin ako makapaniwala. I'm happy, but I'm still doubtful.

The Billionaire's Gorgeous KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon