Kabanata 20
"Magandang umaga sa inyong mag-asawa." Bati sa amin ni Mang Juan.
Masaya na kumaway ako sa kaniya. Hinila ko si Ferocious palapit sa kinaroroonan ni Mang Juan at Aling Kami. Nakaupo sila sa harapan ng bahay nila habang nagkakape.
"Magandang umaga din po, Mang Juan at Aling Kami." magalang kong bati sa mag-asawa.
"Nakapag-almusal na ba kayo?" tanong sa amin ni Aling Kami.
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Ferocious at pagkatapos ay umupo ako sa bakanteng upuan sa unahan nila Aling Kami. Naramdaman ko din ang pag-upo ni Ferocious sa aking tabi. Naramdaman ko na ipinatong niya ang kaniyang braso sa aking balikat. Hindi ko na lang iyon inalis.
Tiningnan ko lang siya nang maramdaman ko na hinawakan niya ang aking kamay gamit ang isa niyang kamay. Hindi ko na lang din inalis iyon at ibinalik ko kina Aling Kami ang atensyon ko.
I'm sure my whole face turns red because of blushing.
"Opo. Nakakain na po kami ng umagahan." sagot ko sa matanda habang nakangiti.
Naramdaman kong pinaglaruan ni Ferocious ang aking daliri habang tahimik lang na nakikinig sa amin. Dalawang linggo na mula noong nabalian siya at sa nakalipas na mga araw ay mas lalo siyang naging sweet sa akin. Kahit maraming tao at kahit mag-isa lang kaming dalawa ay lagi siyang malambing.
Masasabi kong hulog na hulog na ako. I won't stop my feelings anymore. I can't hold it back anymore. May ngiti sa labi na tiningnan ko si Ferocious. Napansin kong sa kamay ko siya nakatingin habang nilalaro iyon. Hinawakan ko ang kaniyang kamay kaya napatingin siya sa aking mukha. Napanguso ako kaya naman bigla siyang napangiti.
"Gusto niyo ba munang magkape bago umalis?" tanong ni Aling Kami kaya napatingin ako sa mag-asawa.
"Hindi na po, Mang Juan. Nakapag-kape na din po kaming mag-asawa sa bahay." magalang kong pagtanggi.
"Ganoon ba. Sige. Ipapasok ko na ang thermos at tasa. Kukunin ko lang din muna ang linte." sabi niya at pagkatapos ay dinala na ni Aling Kami ang thermos at dalawang tasa upang dalhin sa loob ng bahay.
It's five o'clock in the morning. I woke up early today because I cooked our breakfast. Ayoko ding pabayaang hindi kumakain si Ferocious ng umagahan.
"Ano po bang gagawin natin ngayon?" magalang na tanong ni Ferocious.
"Magtatanim daw tayo ng talong, iho. Iyon ang sabi sa akin ni Etang kahapon." sagot ni Mang Juan.
"Paano po ba magtanim ng talong?" may kuryosidad na tanong ni Ferocious.
Tiningnan ko siya at pagkatapos ay tinawanan. Napansin kong napakunot ang noo niya habang tinitingnan ako.
"Mahal, magbubutas ka sa lupa at itatanim mo ang buto tapos tatabunan mo. Pagtapos ka na ay didiligan mo na." Paliwanag ko sa kaniya.
"How did you know about that?" Sarkastiko na tanong niya.
Pikon na siya. Inaasar ko kasi. Ipinamumukha ko kasi na mas matalino ako sa kaniya.
"Matalino ako at may common sense." pagmamalaki na sagot ko.
Nagkibit balikat siya sa sinabi ko at pagkatapos ay pinisil niya ang kamay ko.
"Are you telling me that I don't have a common sense?" seryoso ang boses na tanong niya. Napansin ko ang ngisi sa labi niya.
"Ikaw ang may sabi niyan, hindi ako." natatawa kong sabi.
"No! I—"
"Ano? Magsasalita ka pa?" pagbabanta na sabi ko.
"Damn." mura niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinisil niya ito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
RomansaThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...