Kabanata 17
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil maaga ang usapan namin ni Aling Kami. Alas-siyete ay aalis na kami upang mauna kami sa pila. Ngayon daw kasi ang bagsakan ng mga ukay-ukay at ibang brand new na damit sa sari-sari store. Marami daw namimili dito. Hindi kasi nakakapunta ang mga nakatira dito sa bayan dahil sa sobrang layo. Mahal din ang pamasahe.
I'm the one who wakes up first. I heard the loud snoring of Ferocious. He's sleeping on the other side of the room.
Naalala ko ang kumot na ibinigay niya na sa akin kagabi. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at hindi na siya nag-kumot kahit na sobrang lamig at maraming lamok. Dati ay nakikipag-agawan pa siya sa akin. Nilapitan ko siya at marahan ko siyang kinumutan. Nakita ko ang magulo niyang buhok na tumataklob sa mukha niya. Sumilay sa aking labi ang ngiti nang makita ko na bahagyang ngumanga ang kaniyang bibig.
Medyo malamig pa ang klima kaya kailangan niya ng kumot. I'm not heartless to let him feel the cold morning breeze. May konting awang ang pader ng kubo kaya pumapasok sa loob ang malamig na hangin. Mamaya ay bibili ako ng kumot para naman hindi na siya lamigin tuwing gabi.
Umalis ako sa kwarto habang nakangiti at iniisip kung ano-ano ang bibilhin ko para sa amin ni Ferocious. Babawasan ko muna ang ipon namin para bumili ng pangangailangan.
Nagluto ako ng almusal at ginising ko na din siya nang matapos ako. Ako na ang nagtimpla ng kape niya. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong sarap na sarap siya dito.
Matapos naming kumain ay naghanda na kaming pumunta kina Aling Kami.
"Keep safe! Come back here without any scratches. I will love you when you get home." malambing na sabi niya kaya natuwa na naman si Aling Kami.
"Baliw!" sabi ko at humaba ang nguso ko habang napapailing.
"Sayo!" sagot niya na ikina-iwas ko nang tingin sa kaniyang mapang-asar na mukha.
"Adik!" natatawa na sabi ko. Nakita ko ang nakangiti na tingin ni Aling Kami sa amin.
"Sayo!" sagot niya sa akin at naramdaman ko ang kamay niya sa aking braso.
Napatingin tuloy ako sa kaniya. Pinilit kong gawing seryoso ang aking ekspresyon pero hindi ko nagawa. Lumabas ang tawa sa aking bibig nang makita ko siyang ngumuso. Naramdaman ko ang pagtambol nang mabilis ng puso ko dahil hinawakan niya ang tainga.
"Gago." sabi ko habang inaalis ang kamay niyang marahang pumipisil sa aking tainga.
"Ako sayo. Para na akong nauulol sayo." malawak ang ngiti na sabi niya sa akin.
Nauulit na naman ang linyahan naming ito.
"Ferocious." tipid na tawag ko sa kaniya. Imbis na maging seryoso ang boses ko ay natalo ito nang nararamdaman ko. Naging malambing iyon.
"Gusto kita." pag-amin niya sa akin na ikina-wala nang ngiti ko.
Is he confessing to me? Right here? Right now. In front of Aling Kami?
My heart went up again. My heart is beating loudly.... faster than the first one. I also felt something on my stomach. It's like something is twisting inside.
Did he mean it? Or he's just telling lies because we're pretending?
"D-D'yan ka na nga!" nauutal na sabi ko at pagkatapos ay mabilis na akong tumakbo palayo sa kaniya. Papunta kay Aling Kami na naghihintay sa akin.
Hindi ko na nilingon ang naging reaksyon niya sa ginawa ko. I want to escape in this scenario. It's making me crazy. This feeling is making me elated.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
RomanceThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...