Kabanata 23

86K 2.6K 472
                                    

Kabanata 23

Napahinto ako sa pagtitiklop ng damit namin ni Ferocious nang may narinig akong katok sa pinto. Ipinatong ko muna ang damit sa upuan at agad akong tumayo para pumunta sa may pintuan.

"Sino 'yan?" sigaw ko habang sinisilip sa maliit na butas ang taong nasa labas.

"Si Joko ito." sigaw nito pabalik.

Tinanggal ko ang lock ng pinto at agad kong binuksan ito. Lumabas ako at tsaka ko sinaraduhan ang pinto. Kunot ang noo na tiningnan ko siya.

"Elle, Gusto mo ba ng mangga? Nanguha kasi ako kanina ng mangga sa puno. Napadami ang kuha ko. Hindi ko naman kayang ubusin itong lahat." pang-aalok niya sa akin habang itinataas ang plastic na pinaglalagyan ng mangga.

May ngiti sa labi na kinuha ko ang mangga. Hindi ako tatanggi sa grasya dahil masama 'yun. Pag may biyayang nalapit, dapat kunin agad.

"Ah, sige. Salamat ha? Saktong sakto. Gusto ko ng mangga ngayon." may saya sa tono ng boses na sabi ko.

Ibinuka ko ang plastic at tiningnan ko ang mga mangga doon. Nakaramdam ako ng pangangasim nang makita kong madami ito at hilaw pa.

Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. Noong mabalian kasi si Ferocious ay hindi ko na siya pinaakyat sa puno ng mangga.

"Talaga? Ito kunin mo pa ang isang plastic ng mangga." masayang sabi niya at pagkatapos ay may inilahad ulit siyang isa pang plastic.

Napansin kong punong-puno ito ng mga mangga na hilaw.

"Ang dami naman nito, Joko." sabi ko.

Kinuha ko ang isa pang plastic. Siguro ay aabot sa dalawang linggo ang mga manggang ito bago maubos. Minsan lang kasi kumain si Ferocious. Laging ako ang umuubos ng mangga.

"Mas maganda na yung madami kesa sa kakaunti." Masayang sabi niya.

Natawa na rin ako sa kaniyang sinabi. Sabagay, maganda nga kung labis kesa sa kulang.

"Sabagay, tama ka. Salamat ulit dito sa mangga." pagpapasalamat ko sa kaniya.

Tumango siya. Hinawi niya ang buhok niyang dry at pagkatapos ay ngumuso siya. Ang aking ngiti ay napangiwi. Bakit parang nagpapa-cute siya?

"Basta ikaw, Elle." masayang sabi niya.

"Si Pikachos nga pala? Nasaan ang asawa mo?" tanong niya sa akin kaya napatigil ako sa pagpasok sa bahay.

"Sumama kay Mang Juan at Aling Kami sa paghahanap ng baka. Nakawala kasi sa pagkakatali." sagot ko at muli kong isinarado ang pinto ng bahay.

Mamaya ko na lang ipapasok ang mga mangga.

"Nako! Wala kang kasama dito?" biglang sabi niya na ikinatigil ko.

Ang mata kong nakatingin sa mangga ay napalipat sa kaniya. Nagtaas baba ang aking ulo bilang tugon.

"Wala pa pero kaya ko naman ang sarili ko." may pagmamalaki na sabi ko.

May baril ako sa loob ng bahay, at marunong ako sa martial arts at iba pang uri ng combat. Pag may nagtangka sa akin, hindi na siya sisikatan ng araw.

"Maggagabi na. Hindi magandang maiwan dito ang babaeng katulad mo. Paano na lang kung may pumunta dito na masamang tao tapos gawan ka nang masama?" tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat lang ako. Easy lang, papatumbahin ko.

"Hindi naman siguro ganoon dito. Ilang buwan na din naman kaming nakatira dito. Hanggang ngayon ay maayos at ligtas kaming mag-asawa." sagot ko.

The Billionaire's Gorgeous KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon