Kabanata 5
Naging mabilis ang pangyayari habang nakapalibot kami sa dalawa ay biglang lumapit sa amin ang ibang mga kalaban. Nagkaroon ng palitan ng putukan ng baril.
"Protect the Ace!" malakas kong utos habang hinaharang ang sarili ko sa dalawang taong nagmamahalan.
"Team Alpha. Manatili kayo sa tabi ng ace." utos ko sa kanila.
Nanatili silang nakapalibot sa dalawa kaya nakampante agad ako at pagkatapos ay lumabas ako sa ginawa nilang human barricade. I need to fight, hindi ako tatayo lang sa tabihan ni Ferocious para manood sa laban.
I shot the guy who tried to shoot the other bodyguard. Mabilis akong sumusulyap sa mga kasamahan ko. Napansin kong may ibang bodyguards na may tama ng baril ngunit nakikipaglaban parin ng putukan.
Mas madami kami sa kanila kaya naman alam kong malaki ang posibilidad na manalo kami. Pero hindi ako dapat magpakampante dahil napansin ko ang galing ng kalaban sa pakikipaglaban. They are good in martial arts.
"Team Charlie at Beta, lumaban kayo. Galingan niyo." Utos ko.
Mabilis ang kilos ko habang pinapaputukan ng baril ang mga kalaban na nagtatangka na lumapit sa human Barricade.
"Shit!" malutong na mura ko noong biglang may bumaril sa aking hawak na baril.
Nabitawan ko ito kaya naman pumatak ito sa sahig. Kukunin ko na sana ito pero aksidente itong nasipa ng isang bodyguard palayo.
I don't have a spare gun. Masyadong malayo ang naabot ng baril ko kaya hindi ko na ito tinangkang kuhanin pa.
Some of them don't have a gun. Napansin kong mas magaling silang lumaban using physical contact.
Kinalaban ko sila at masasabi kong magaling sila sa hand to hand combat. They aren't good enough in defensing theirselves while using a gun.Hindi pa sila fully trained sa paggamit ng baril pero pinadala na sila dito ng nag-utos sa kanila?
This is suicide!
Short range ang kaya nila! Kaya pala hindi sila nagpaputok agad. Hinintay pa nilang makalapit bago sila nagpaputok.
Ilang beses akong natamaan ng sipa at suntok pero mas lamang din naman ang tama ng bawat suntok ko sa kanila. Mas malakas ang balik ko at mas buo ang suntok ko.
"Ilang buwan na akong walang punching bag." matigas na sambit ko habang pinilipit ko ang braso ng lalaking kalaban ko at pagkatapos ay bumuwelo ako ng suntok sa kaniya.
Tumama sa kaniyang pisngi ang suntok ko at halos sumubsob siya sa semento dahil sa lakas nito. Nawalan siya ng malay. Wala na akong nakaaway noong sumunod kasi tatlo na ang napabagsak ko.
Are they avoiding me?
Nagkaroon ako ng pagkakataon upang tingnan ang buong paligid.
Ang iba kong kasamahan na bodyguard ay gumagamit ng baril kaya naman madali sa kanila ang laban. May iba naman na wala ng baril dahil nahuhulog ito sa labanan.
I don't want to use a gun because I prefer hand-to-hand combat. It's been a while since I have had a one on one with an enemy. Gusto kong mag-exercise, sinuwerte pa nga dahil tumalsik ang baril ko.
I noticed that the human barricade is now ruined. Wala na ang mga taong nakapaligid sa dalawang taong nagmamahalan. Napairap ako noong maisip ang bagay na iyon.
Nagmamahalan my ass.
Nakita kong nagkikipagsuntukan na din si Ferocious habang ang kaniyang girlfriend ay sigaw lang nang sigaw.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
RomanceThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...