Kabanata 13
"Pasensya na kung maliit lang ang bahay na tutuluyan niyo." Binuksan niya ang maliit na kubo.
Maayos naman ang kawayan na dingding nito at ang bubong ay yero. Maliit lang ito. Noong sinilip ko ang loob ng kubo ay nakita ko ang isa pang dingding sa loob. Siguro ay division ito para sa isang maliit na kwarto.
"Ayos na po ito. Basta po may matutuluyan kami pansamantala." masayang sabi ko.
Nakita kong ngumiti ang matandang babae. Pumasok siya sa loob ng kubo kaya naman sumunod na din kami papasok sa loob.
"Kubo lang ito pero sana maging maayos ang panandalian niyong pagtira dito." sabi ni Aling Kami.
"Malaking tulong na po ito sa amin." magalang kong sagot.
Sa ganitong pagkakataon ay malaking blessing na ito. Hindi dapat kami maging mapili. Dapat nga ay magpasalamat pa kami na may taong tumulong sa amin. Mahirap ang estado namin ngayon ni Ferocious.
"Nasa kabila lang ang aming bahay. Pwede kayong pumunta doon kung may kailangan kayo. Bukas ang tahanan namin para sa inyo." sabi niya sa amin at pagkatapos ay tumango ako.
Itinuro na niya sa amin ang kanilang bahay noong dumaan kami doon. Kubo din ito katulad ng tutuluyan namin pero mas malaki iyon.
"Maraming salamat po, Aling Kami. Malaking bagay na po ang pagpapatuloy niyo po sa amin dito sa bahay." nagpapasalamat na sabi ko.
Ngumiti lalo nang malawak ang ginang. Siniko ko si Ferocious upang magpasalamat din siya. Tahimik lang kasi ang lalaking ito habang tinitingnan ang loob ng bahay.
"Why?" Kunot noo niyang tanong sa akin.
"Magpasalamat ka." Sabi ko habang pinanlilisikan siya ng mata.
Nang matapos kong sabihin iyon ay tumingin na ako kay Aling Kami at pagkatapos ay nginitian ko siya.
"Ah! Thank you for your good deeds." pagpapasalamat ni Ferocious.
Napangiwi ako noong makita kong parang labag ito sa loob niya. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Imbis na magpasalamat ng maayos ay nag-iinarte pa.
"Inglesero pala ang asawa mo, Ineng." Natutuwang puna ni Aling Kami.
Ngumiti ako sa kaniya at pagkatapos ay walang pag-aalinlangan na yumapos ako sa braso ni Ferocious.
"She's not my—"
"Oo nga po. Anak mayaman po kasi." magalang kong sabi at tsaka ko tiningnan si Ferocious habang nakangiti.
Nakita kong napakunot ang kaniyang noo dahil sa aking sinabi. Kailangan ko yatang magsinungaling sa matanda para sa sariling hangarin. Tiningnan niya ang mukha ko. Kitang-kita ko ang nakakunot niyang noo.
"What are you talking about?" naguguluhan na tanong ni Ferocious sa akin.
"Tumahimik ka muna, Mahal." mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kaniyang braso.
Tumawa ako habang tinitingnan si Aling Kami. Nakatingin siya sa amin at napansin ko ang malawak niyang pagkakangiti.
"Naalala ko tuloy ang aking anak na babae. Nakapag-asawa siya ng taga kabilang baryo. Dati ay dito pa sila tumira pero kalaunan ay lumipat din sila." mahinang sabi ni Aling Kami.
"Matagal na po ba silang lumipat?" may kuryosidad na tanong ko sa kaniya.
"Oo. Mag-iisang taon na din. Paano nga ba kayo napadpad dito?" tanong niya sa amin.
Tiningnan ko si Ferocious at napansin kong tahimik lang siya habang nakatayo sa tabihan ko. Nakatulala lang siya sa maliit na kusina.
"Magbabakasyon po kasi kami sa stone resort pero nagkaroon po ng aberya. May nakita po kaming mag-asawa. Nakisakay po sila, hindi po namin alam na carnapper pala ang mga iyon. Pinababa kami sa liblib na lugar tapos dinala po nila ang kotse at mga gamit namin." pagsisinungaling ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
Roman d'amourThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...