Kabanata 26
"Mahal, Okay ka na?" malambing niyang tanong sa akin kaya napatigil ako sa pagbabati ng itlog.
Hindi ko siya sinulyapan. Itinuloy ko ang ginagawa ko. Naghihiwa ako ng sibuyas nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. Lagi niya itong ginagawa tuwing nagluluto ako.
"Oo. Kamay mo, magluluto ako." Pagsusuway kong sabi. Inalis ko ang kaniyang kamay na nasa bewang ko.
Tumabi siya sa akin at pinagmasdan niya lang ako sa ginagawa.
"Dumaan si Mang Juan. Sinabi niyang wala daw tayong trabaho ngayon dahil may pupuntahan daw sina Aling Etang." Pagbibigay alam niya sa akin. Tumango lang ako.
"Sige." tipid kong sabi.
"Nagpaalam din sina Aling Kami at Mang Juan na pupuntahan nila ang anak nila sa kabilang baryo." Wika niya.
"Okay." sabi ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi kaya napatingin ako sa kaniya.
"Mahal, galit ka pa ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
"Hindi ako galit." sagot ko.
"Then, why are you treating me like this? You're acting cold towards me." Mahinang tanong niya.
Umiwas ako sa kaniya nang tingin at inilagay ko ang kawali sa tungko. May maliit ng apoy sa lutuan.
"Hindi maganda ang gising ko."
"Bakit?" nagtataka niyang tanong. Naramdaman kong inilapat niya ang kaniyang palad sa aking noo.
"Nahihilo ako." sagot ko sa kaniya.
Narinig ko ang pagsinghap niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata niya habang inaalis ang kamay sa aking noo.
"Buntis ka agad? Damn, I made love to you two weeks ago. Nakabuo agad ako?" tanong niya sa akin.
Hinampas ko siya sa braso. Masyado siyang advance mag-isip. Alam kong hindi ako buntis.
"Sira ka. Hindi! Nahihilo lang ako dahil kulang ako sa dugo." sabi ko.
Hindi na naman bago sa akin ito. Lagi naman akong nakakaramdam ng panlalambot at minsan ay saglit na pagkahilo.
"I thought you were pregnant. Do you want to take a bath?" pagyayakag niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. Ligo lang ba? Paniguradong may iba pa siyang gustong gawin.
"Maaga pa. Mamaya na lang alas-dose." sabi ko.
Kinuha ko ang sandok na nakasabit sa may sabitan. Magsisimula na sana akong magluto pero inagaw niya sa akin ang hawak kong sandok.
"Okay. Can I cook today? You should take a rest. Ako na ang gagawa nito." pagboboluntaryo niyang sabi sa akin.
"Sigurado ka ba? Marunong ka bang magluto?" kunot noo na tanong ko.
Ang alam niya lang kasing lutuin ay sinaing. Ako lagi ang nagluluto at siya naman ay tumutulong lang sa paghuhugas ng pinggan at pag gagayat ng rekados.
"Madali lang mag-prito ng itlog. Kayang kaya ko." nagmamalaki niyang sabi.
"Pag iyang itlog mo sunog. Yari ka sa akin." may pagbabanta na sabi ko.
Tumawa siya kaya mas kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya.
"Paano masusunog ang itlog ko kung maputi ako?" tanong niya kaya napanganga ako.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Gorgeous Keeper
RomansaThe Billionaire Series 3: Ferocious Exousía Keeper /noun/ * a person that watches over someone * a person whose job is to guard or take care of something or someone Private First Class Elle Clarke is an excellent soldier. She has good quality beauty...