Kabanata 34

109K 2.4K 718
                                    

Kabanata 34

Nakalabas na ako sa tambak ng bottle water dahil umalis na ang mga humahabol sa akin. Tumakbo ako nang mabilis para makapunta sa kabilang kanto. Nakita ko ang isang taxi na dumaan pero noong pumara ako ay hindi naman tumigil.

"Diyos ko! Sana naman po ay may masakyan ako. Ayokong mamatay kaming mag-ina." dasal ko habang tumatakbo papunta sa may highway.

Saktong pagkadating ko sa may tabi ng over pass ay biglang may dumaan na kotse. Agad ko itong pinara. Sobra ang tuwa ko nang makita kong tumigil ito.

Pumunta ako sa may pinto at kinatok ko ito. "Help me, please! Help!"

Unting-unting bumaba ang salamin ng kotse kaya nakita ko ang nasa loob.

"Elle." tawag niya sa akin. Nakita ko ang nakakunot niyang noo habang tinitingnan ako.

"Corporal Ilmora?" paninigurado ko.

"Saan ka galing? Bakit ganiyan ang itsura mo?" sambit niya.

Tiningnan niya ang gulong-gulo kong buhok at ang mukha kong puno ng natuyong luha.

"Please, let me in. Mamaya na tayo mag-usap." sabi ko.

"Hop in"

Binuksan niya agad ang pinto at mabilis akong sumakay sa kotse niya. Nagmamadali ko itong sinaraduhan.

Pinaandar niya ang kotse. Napasinghap ako nang makita ko ang sampung lalaki na nagmamasid sa labas. Napayuko ako upang hindi nila ako makita.

"Don't worry, Elle. My car is heavily tinted." sambit niya.

Napabuntong hininga ako at pagkatapos ay naging kalmado. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan.

"Bakit ka tumatakbo at takot na takot?" tanong niya sa akin kaya napalingon ako.

"I-i'm being chase by someone." nauutal na sagot ko.

Sinubukan kong huwag umiyak sa harapan niya. Naalala ko ang huli naming pagkikita ni Corporal Ilmora. Hindi naging maganda ang pag-uusap namin.

"Sino?" tanong niya. Seryoso siyang nakatingin sa daan.

"Mga...mga tauhan ni Ferocious." Mahina ang boses na sagot ko.

"Why? Bakit ka nila hinahabol?" kunot ang noo na tanong niya sa akin.

Humugot ako nang malalim na buntong hininga at napahawak ako sa kamay ko nang maramdaman kong nanginig ito.

"He wants me dead. He will kill me." sambit ko.

Napansin kong napatingin siya sa akin at pagkatapos ay ngumiti siya. Umiwas ako sa kaniya nang tingin.

"I won't let that happen. I will save you, Elle." masuyo niyang sabi.

"T-thank you." pagpapasalamat ko sa kaniya. Kung hindi siya dumating ay baka patay na kami ng anak ko. Nararapat lang na pasalamatan siya

"Don't thank me, Elle." sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya.

"Pwede bang ihatid mo ako sa amin." Paghingi ko ng pabor sa kaniya.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi at pagkatapos ay umiling siya sa akin. Napakunot ang noo ko.

"Why would I do that?" May nakakaloko na ngisi sa kaniyang mukha kaya napasinghap ako.

"Maxton? Anong ibig sabihin nito?" tanong ko. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinasabi niya.

"I will save you from him and I'll make you my Queen. Itatago kita" Tila ba natutuwa siya habang sinasabi iyon.

The Billionaire's Gorgeous KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon