Chapter Forty Nine: Forum

3.4K 161 22
                                    

*Author's Note*

I publishe the wrong draft sorry! Ito na po yung kumpleto.

***

Third Person's Point of View

"Hindi ba natin sila pipigilan?" Kinakabahang tanong ni Lynia sa kasintahan nitong si Luques na napapailing na lang dahil sa nasasaksihan nya ngayon.

"Hayaan mo sila. What Ireneia did was wrong. Oo, gusto nya lang na iligtas ang karamihan but it doesn't mean na tamang paglaruan nya ang damdamin ng mga taong nasa paligid nya." Sagot ng lalake bago inalalayan ang likod ni Lynia para igiya ito palayo sa kumpol ng mga taong nanunuod sa labanang nagaganap sa pagitan ng Heneral at Commander ng Alta Guild.

Alam naman kasi ng binata na maayos din ng dalawa ang gusot sa pagitan nito at nilalabas lamang ng matalik na kaibigan nito ang sama ng loob nito dahil sa ginawa ng kasintahan nito dito.

Gaya ng magkasintahang Lynia at Luques ay unti-onti ding nagsialisan ang iba pa nilang kasamahan at kaibigan upang simulang ibalik sa dating ayos nito ang kampo.

Hindi pa man ng mga ito lubusang nakikilala ang kambal na Donovan at nagtataka man sa kung sino ba talaga ang dalawang ito ay pinili nilang manahimik muna dahil hanggang ngayon ay gulat parin sila sa mga pangyayari.

Ngunit kahit nagsi-alisan na ang ilan sa mga nanunuod ay wala parin namang pagbabago sa pagitan nina Ireneia at Helios. Tuloy lamang ito sa paglalaban kahit pa ba parehong nanghihina na dahil hindi man nila aminin, malaki na rin ang nagiging bawas sa lakas nila habang patagal ng patagal ang laban nila.

That's when Nia realized that it's enough.

Tumalon ito palayo sa kasintahan bago sumigaw.

"Stop!" Malakas na sigaw nito na ikinatigil ng akmang pagsugod nanaman ni Helios patungo rito.

"Kasalanan ko. Alam ko ang ginawang kasalanan ko so let's just stop." Nahahapong bitaw nito sa mga katagang iyon bago tuluyang napaluhod sa lupa dahil sa labis na panghihina.

Helios remained stoic and unmoving. Pinigilan nito ang sariling daluhan ang kasintahan dahil alam nyang kailangan nitong matutunan at malaman ang consequences ng mga ginawa nito.

He clearly understand na ginagawa lamang nito ang sa tingin nito ay makakabuti sa Heleina Cross ngunit what she did this time, crossed the line. It went too far. He's keeping the beast inside of him for a reason. Hindi nya iyon tinatago dahil hindi pa sya handang ipakita ang buong pagkatao nya sa lahat. Tinatago nya iyon dahil kailangan talaga iyong itago.

Nang makita nya ang pagsisisi sa mukha nito at mapagtantong konti na lang ay matatalo nanaman sya ng labis na pagmamahal dito ay ginawa nya ang sa tingin ay makakabuti,

Tinalikuran nya ito.

Ireneia Xyke Vein

I never thought na ganito kasakit ang magiging kaparusahan sa ginawa ko.

Gustuhin ko mang tumayo at sundan sya ay hindi ko naman magawa, dahil na din ata sa sobrang pagod at drain ko sa naganap na labanan sa pagitan namin ay hindi na din kinaya ng katawan ko.

Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon