Chapter Sixty Six: Fallen

2.4K 115 1
                                    

Ireneia Xyke Vein

"Wicked." Nakangangang saad ni Nikolei at Kairo habang nakatingin sa kabuoan ng field na wala ng ni isang kalaban ngayon. Tanging ang tatlong Masters lang ang natitirang nakatayo sa gitna ng field habang masayang nag-uusap. Napailing-iling ako ng makita kong naghigh-five pa talaga sila na para bang mga batang katatapos lang gumawa ng kalokohan. Kahit si Master Reina na kilala bilang dakilang killjoy ay nakikisali sa kulitan ng dalawang lalakeng Masters.

Dahil sa naglalakad naman na ang mga ito papunta sa pwesto namin ay hindi na ako nag-abala pang salubungin sila. Isa pa ay nakapulupot sa bewang ko ang isang braso ni Helios pinning me in place kaya mas lalo akong nawalan ng rason upang salubungin sila.

"Your Highness." Pormal na bati ng mga ito saakin ng sawakas ay marating ng mga ito ang harap namin. My eyes widened dahil nag courtesy pa talaga ang mga ito which I think is unnecesary dahil hindi naman ako nandito bilang prinsesa.

"No! Please Masters, I came here not as a princess but as a part of the army. Hindi nyo po kailangang gawin yan." Maagap na pigil ko sa mga ito kaya agad naman silang tumuwid ng tayo. Master Reina smiled at me kaya napangiti din ako. She spread her arms inviting me into a hug kaya naiiling na naglakad ako palapit sakanya para pumaloob sa mga bisig nya.

"Kamusta ka na Ireneia?" She asked tenderly bago kumalas sa aming yakapan. I gave her a grin before giving her a knowing look. She burst out laughing na sobrang ikinagulat ng lahat ng tao sa paligid namin.

"Of course you are doing great!" Tumatawang sabi nito bago ako tinanguan.

"Tanda~ este Master Reina! Marunong ka naman palang tumawa eh!" Pang-aasar ni Luques that earned him a deadly glare from Master Reina.

"We can continue this on the Manor. For now, let's get going para masimulan na ang pagsasaayos sa pinsalang natamo ng Crossville." Seryosong basag ni Master Hiro sa asaran kaya muli kaming nagseryoso lahat. The moment he said the word pinsala ay bumalik saakin ang imahe ng mga bangkay na nasawi sa paglusob ng mga kaaway. My heart clenched at that thought.

They had indeed caught us off guard. Hindi man lang kami hinayaan ng mga ito na makapaghanda. They took advantage of the fact that Heleina Cross is wall-less. Bukod kasi sa transparent barriers at mga Border Knights ay walang ibang depensa ang Heleina Cross laban sa mga magtatangkang pasukin ang kaharian. But it doesn't mean that the barruers and the knights should be underestimated! Malakas ang barrier at malalakas din ang border knights ngunit ginamit din nilang oportunidad ang pagiging mahina ng barrier dahil sa pagsasaayos sana nito to make it even stronger to caught us off guard.

Hindi sila nanalo ngunit hindi din naman kami nanalo. How can we consider ourselves as victor kung halos mawasak na nila ang kalahati ng Crossville. They are also able to kill few of our comrades at ang pinakamalungkot sa lahat ay ang pagpaslang nila sa halos trentang inosenteng mamamayan ng Crossville. Kung sana ay dumating lang kami ng maaga hindi sana ganun karami ang namatay sa mga ito. Pero walang mangyayari kung sisisihin pa namin ang mga sarili namin. We did our best. Maybe it was already the will of the gods. Maybe it was already their fate.

"What are you thinking?" Mahina ngunit seryosong bulong ni Helios saakin bago ako inakbayan. I wrapped my arm on his waist in return before resting the side of my head on his chest as we walk side by side.

"Nothing." Mahinang sagot ko dito before letting out a deep sigh. Hindi naman na ito nag-usisa pa pagkatapos kong sagutin ang tanong nya.

Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon