Chapter Fifty Three: Our Turn

3.9K 165 11
                                    

Ireneia Xyke Vein

"Nasa labas na po sya mahal na prinsesa." Magalang na sambit ng kawal na inutusan ko upang ipatawag si Helios ng mabalitaan kong tapos na nila ang pagsasaayos ng mga nasira nila sa labas.

"Papasukin mo sya." Seryosong sambit ko dito habang hindi parin inaalis ang tingin ko sa mga papel na nasa lamesa ko ngayon.

Ilang sandali pa ay ramdam ko na ang presensya nya dito sa loob ng opisina ko. Hindi rin nakaligtas saakin ang amoy nyang bumalot sa bawat sulok ng silid na ito.

"Nia, I'm~." Bago pa man nya maituloy ang sasabihin nya ay pinutol ko na iyon by asking him something first.

"Nagkausap na ba kayo ng mama mo?" Malamig na tanong ko dito bago lakas loob na sinalubong ang mga mata nya.

Marahang napatango ito na sinuklian ko naman ng isang tipid na ngiti.

"Mabuti. Pero hindi tungkol saating dalawa ang gusto kong pagusapan natin dito Helios. Pinatawag kita as the Princess of thi~"


"But I'm here to talk to you about us, Ireneia!" Matigas na sabi nito na marahang ikinapikit ng mga mata ko. I was about to open my eyes ng maramdaman ko ang biglang paghigit nya sa braso ko para yakapin ako ng sobrang higpit.

Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang syang yakapin ako pero hindi ko din naman sinuklian ang yakap nya. I just stood there, tulala habang dinadama ang init ng katawan nyang nakadampi sa katawan ko.

I missed him.

Pero hindi ko pa kayang magpatuloy. My life has been coated with lies for a very long time. Ayaw ko ng mabuhay ng ganun. Oo nga at magkaiba naman ang kasinungalingan sa sekreto but for me, the impact is just the same. Nasaktan parin ako. Nasasaktan parin ako.

Why can't he trust me? Bakit napakadami nyang gustong itago sakin? He was a cursed child. A real one. Hindi dahil sa mag-isa na lang sya sa race nila pero dahil sa turned ang mama nya.

Tita Kirah was a mortal. And Helios' father fell in love with her. Hindi naman maling magmahal ng mortal ang isang mage, ang mali lang ay ang iturn ito gamit ang itim na mahika.

Helios' father knew na mas matagal ang life span ng mages kesa sa normal na mortal. Kaya sa labis na pagmamahal nya kay Tita Kirah ay hiningi nya ang isang tulong ng isang witch upang ipasailalim si Tita sa isang ritwal gamit ang forbidden spell.

Alam nila na mayroong kabayaran ang ginawa nila dahil iyon ang consequence talaga ng paggamit ng forbidden spell. What they did not know is that, their child would be the one paying for it.

Helios was cursed with umbrakinesis, or the ability to control darkness and anything related to it. His ability is somehow similar sa ability ng dark mages pero ang kaibahan lang ay mas nakakatakot ang kay Helios at mas malakas.

He can kill by just a mere touch.

And that's why he choose to hide it. Tinago nya ito sa loob niya disregarding the danger it can bring to him kapag hindi niya iyon inilabas at patuloy na kinulong sa katawan nya.

He can die.

That ability of him can kill him if he had continued containing it inside him.

Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon