Chapter Fifty Seven: Outer wall down

3.2K 129 5
                                    

Ireneia Xyke Vein

*Phase One*

"Stand your ground!" Mariin at seryosong utos ko through mindlink kay Nikolei na ngayon ay nakahanda na kasama ang lahat ng kabilang sa unang grupo.

They're just waiting for my cue kaya naman muli akong napatingin sa relong nakasabit sa bewang ko upang tignan ang oras. Importante ang oras para saaming lahat ngayon dito nakasalalay ang tagumpay ng pag-atake namin.

Forty minutes.

We only have forty minutes to execute the whole attack. Dalawampung minuto para sa unang bahagi habang tig sampung minuto naman sa natitirang dalawang minuto. Sa loob ng Kwarenta minutos ay kailangan naming mailigtas ang lahat ng bihag sa hell's breath. Sa loob din ng limitadong oras na iyon ay dapat maisagawa ang talagang purpose ng atakeng ito, iyon ay ang sirain ang outer wall.

Muli ay binalik ko ang tingin ko sa pocket watch na nakasabit sa bewang ko at napangisi ng makitang isang minuto na lang bago ang nakatakdang oras.

"Prepare to execute Captain." Muli ay mando ko through mindlink bago tinignan ang tatlong mage na kasama ko.

"Ihanda nyo na din ang sarili nyo." Seryosong sabi ko na ikinatango nilang tatlo. Muli ay binigyan ko sila ng isang sulyap bago tuluyang tumalon pababa sa puno kung saan kami nakatayo kanina. Babalikan ko na lang sila mamaya. They already know what to do at isa pa, may tiwala ako sa mga batang iyon.

"I only have one rule for everyone." Simula kong pahayag through mindlink bago taas noong tinignan ang building na syang target namin ngayon.


"Don't die."

Pagkatapos kong bigkasin ang dalawang salita na iyon ay sya namang pagkawala ng isang ngisi sa aking mga labi. May palms are now covered with dark smoke na umaabot sa hanggang sa aking siko. Dahan-dahan kong inangat ang mga palad ko bago iyon nilapat sa barrier na nasa harap ko ngayon.

I was taken a back ng maramdaman ko ang lakas ng enerhiyang bumubuo sa barrier.

This is far from what I expected.

Hindi basta-basta ang barrier na ito. No wonder no Heleinian mage can easily enter nor get out of Zafiro.

Gulat man ay pinilit kong klaruhin muli ang isipin ko upang makapag-isip ako ng maayos. May oras kaming hinahabol kaya kailangang mabasag ko ang barrier na nasa harap ko sa eksaktong oras na itinakda namin.

I closed my eyes before doubling the power I'm currently releasing to break this barrier. Pinigilan kong mapamura ng bahagyang kumirot ang ulo ko dahil sa sobra-sobrang enerhiyang nilalabas ko.

You can fucking do this Nia!

Mariin na bulong ko at the back of my mind bago dinagdagan pa ang pwersang nilalabas ko sa mga kamay ko. Kasabay din noon ang pagkawala ng isang impit na sigaw na alam kong tanging ako lang ang nakarinig.

Napangisi ako ng marinig ko ang pagcrack ng parte ng barrier kung saan nakalapat ang mga palad ko. Para iyong salamin na unti-onting ginagapangan ng pagkabasag kaya wala na akong sinayang na oras pa. I poured everything that I have ang released more power na naging dahilan upang tuluyang mabasag ang barrier.

"Now. Nikolei!" I commanded through mindlink bago muling napahawak sa sintido ko ng makaramdam muli ako ng hilo. Sunod-sunod na napamura din ako ng ma-out of balance ako dahil nagsimulang manlabo ang paningin ko.

Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon