Chapter Forty Six: Protect Me

3.5K 144 3
                                    

Ireneia Xyke Vein

"Now that the game is over, I want to, first of all congratulate our champion Mitsuo Akemi, for showing great skills and competence during the game. I'm sincerely hoping na kahit papaano ay may natutunan kayo sa larong naganap sa season na ito. At dahil tapos na ang laro ay magsisimula na ang tunay na pagsasanay nyo ngayong taglamig. Train hard at sikapin nyong gawing lakas ang mga kahinaang nadiskubre nyo sa laro." My face remained blank habang nakatingin diretso sa lahat taong naririto ngayon sa field.

After congratulating Akemi Mitsuo for her win ay binigyan nila ako ng pagkakataong opisyal na isara na ang laro at tuluyan namang buksan ang training ngayong season.


"I therefore officially declare the end of the game and the start of your training! Train hard mages! We train together, we win together! Now we fight! For Heleina Cross." Seryoso kong sabi sa huling mga kataga bago naglakad pababa ng platform.


Pagkababang-pagkababa ko ng platform ay syang pagtatagpo naman ng mga mata namin ni Helios, making me stop on my tracks. For a moment I was lost for words. Tanging nagawa ko lang ay ang titigan ang mga mata nya. Ang mga mata nyang akala ko ay hindi ko na kailanman makikita.


Ganun lang din naman sya. Para kaming timang na nagtitigan lang habang patuloy naman sa pag-usad ang mga pangyayari sa paligid namin. We stared at each other's eyes na para bang kaming dalawa lang ang tao dito sa field. We stared at each other na para bang ang tagal-tagal naming hindi nagkita.

Napuno ng pag-aalala ang mga mata nya kaya pansamantala akong natauhan. Noon ko lang din napansin ang dahilan kung bakit. Hindi ko namalayan na may tumulong luha na pala mula sa mga mata ko kakatitig ko sakanya.

Mabilis pa sa kidlat na tinawid nya ang pagitan naming dalawa bago masuyong kinulong ang mukha ko sa mga palad nya. I gently wiped the traces of tears on my cheeks na naging dahilan upang marahan akong mapapikit, feeling the warmth that his touch is giving me.


"Why do I feel like I haven't seen you for so long baby?" He whispered against my ear bago dahan-dahang hinubad ang makapal na coat nya para ibalot yun sa katawan ko.


Pagkasabi nya nun ay nagunahan ng magbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala. He immediately caged me into a tight embrace at doon ako hinayaang ilabas lahat ng takot at relief na nararamdam ko ngayon.


"Akala ko hindi na kita makikita ulit." Mahinang bulong ko habang tahimik na lumuluha sa loob ng mga bisig nya.


"Hush now baby. Nandito lang ako. I'm never gonne leave babe."



Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganung posisyon. Namalayan ko na lang na nakalutang ako habang nakakawit ang mga braso ko sa leeg nya. He's carrying me bridal style at kung iba lang siguro ang sitwasyon, siguro matagal na akong umangal dahil sa mga mapanuring tingin na ibinibigay saamin ng mga warriors na nadadaanan namin, but this one's different.


I missed him so much.



Imbes na idiretso ako sa opisina ko gaya ng nangyari noon, he brought me to his cabin instead.

Doon, marahan na ibinaba nya ako sa kama bago tahimik na umalis para kumuha ng tubig.


Do I need to tell him everything?


Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon