Chapter Fifty:Hidden

3.7K 163 22
                                    

Third Person's Point of View

"I won't let him hurt you again Nia." Mahinang bulong ng binata sa tenga ng kanyang pinsan bago ito hinalikan sa noo. Siguro'y nagkakagulo na lahat ngayon sa guild dahil sa pagkawala ng heneral ng mga ito pero alam ng binata sa kanyang sarili na wala syang pinagsisisihan sa ginawa.

"Anak tama ba tong ginagawa mo?" Tanong ng Inang Reyna sa anak nito bago naupo sa walang malay na pamangkin.

"Hindi man tama pero ito lang ang alam kong paraan para mailayo sya sa mga bagay at taong nakakapanakit sakanya. Pinsan ko sya Ina at kapatid na din ang turing ko kay Ireneia. Kung kailangan ko syang ikulong para wag masaktan, gagawin ko." Malamig na sabi nito sa huling mga kataga bago tuluyang iniwan ang ina sa loob ng silid ng pinsan nito.

Walang nagawa ang reyna kundi ang bumuntong-hininga na lang dahil sa ginawa ng kanyang anak. Hindi nya alam kung masisiyahan ba sya na mahal na mahal nito ang pinsan o maiinis dahil sa ginagawa nitong pagtatago sa huli.

Pero hindi man nya aminin ay may isang bahagi din sakanya ang sumasang-ayon sa ginawa ng anak. Her niece, na ngayon ay tinuturing nya ng anak, have been through a lot already. Kahit papaano siguro ay may karapatan naman itong mamahinga.

Ginawaran nya ito ng halik sa noo at akmang maglalakad na palabas ng silid nito ng hawakan nito ang kamay ng reyna para pigilan ito sa paglabas.

Dahil sa sobrang kasabikan sa paggising ng pamangkin ay mabilis na nabaling dito ang atensyon ng reyna only to be taken a back when she saw her niece, who she've known to be the strongest mage on the whole magical kingdom, weeping and crying like a lost child.

Mabilis na dinaluhan ito ng reyna at binigyan ng isang mahigpit na yakap.

Queen Helena Dean

Hindi ko mapigilang mapaiyak na din habang yakap-yakap ko ang aking pamangkin.

Ngayon ko lang sya nakita na ganito kahina and it's breaking my heart into million pieces.

"Pagod na ako tita." Mahinang bulong nito na mas lalong ikinahigpit ng yakap ko dito.

She needs someone right now. 

"Hush now Nia. Nandito lang naman kami lagi para sayo. Hindi mo kailangang itago ang nararamdaman mo saamin dahil pamilya mo kami. We're family Nia tandaan mo yan palagi."

Ezekiel Voax

Mariin na kinuyom ko ang kamao ko habang pinapakinggan ko ang pag-iyak ng pinsan ko. Galit na galit ako dahil wala man lang akong magawa para sakanya. I feel so useless dahil naturingan pa akong pinsan nya, ni wala naman akong kaalam-alam na hirap na hirap na pala sya.

I was used to seeing her strong kaya pansamantala kong nakalimutan na kagaya namin ay nasasaktan din sya.

Fuck you Zapanta!

Ang gagong yun. Matapos kong marinig ang forum nila kanina ay agad kong pinuntahan si Nia sa Infirmary at dinala sya dito sa palasyo without them knowing. Well except kay Fritzale na naabutan akong karga-karga si Nia papasok sa karwahe para sana itakas sya. Akala ko nga ay pipigilan ako ni Fritz kaya nagulat ako ng sya pa mismo ang nagsabing ilayo ko daw muna ito pansamantala sakanila.

Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon