Chapter Five: The game

7.1K 280 4
                                    

Ireneia Xyke Vein

"Sino sa tingin mo ang mananalo?" Seryosong tanong ni Lukas habang nakatitig sa malaking torch na kumpleto pa naman ang lahat ng kulay.

Pito pa naman ang kulay ng apoy tanda na wala pang natatalong grupo.

"Stay here. I'll watch them." Walang emosyon na sabi ko bago tumakbo papasok sa gubat kung nasaan ang mga trainees ngayon.

Pagkapasok ko sa gubat ay tinalon ko ang isa sa mga sanga ng punong una kong nakita bago muling tumalon sa pinakamalapit na sanga kung saan ako unang naglanding. Ganun lamang ang ginawa ko upang hindi ako makita ng mga trainees na umaaligid-aligid sakanila.

And another thing is, gusto ko silang obserbahan ng mabuti. Kapag nakita nila ako tiyak na magpapaimpress ang mga iyon at pipilitin ang mga sarili nilang magpakitang tao. Pero kapag hindi, they will be true to themselve. Lalaban sila ng patas ng walang halong pagpapa-impress.

I stopped when I saw a torch with yellow flames on it. Pinapaligiran iyon ng limang trainees kasama na ang babaeng palaging nakangiti.

I sat on a higher branch pero siniguro ko parin na nakikita ko parin sila ng mabuti.

"Are we going to split up? Mas mabuti siguro kung meron saating maghahunt sa torch ng ibang group." Suggest ng isa sa apat na kamyembro ng babaeng palangiti.

"No. We'll stay here and we'll protect our torch no matter what!" Masiglang sabi nito bago nag-indian sit sa harap ng torch nila.

I saw her close her eyes bago inilipat sa lupa ang kanang kamay nya.

Nangunot ang noo ko dahil sa nakikita.

Anong ginagawa nya?

I almost jumped on my place ng mabilis na ibaling nya sa pwesto ko ang mga mata nya. Mabuti na lamang at mabilis akong nakakilos at nakalipat sa isang sangga na medyo malayo sa dating pwesto ko kanina.

Kung kanina ay kampante ako ng hindi nila mahahalata ang presensya ko... ngayon hindi na.

That girl.

She can feel any kind of presence just by feeling or touching the ground. Para bang konektado sakanya lahat ng bagay sa paligid nya kapag nakahawak sya sa lupa....o kahit sa anong bagay na may kaugnayan sa lupa.

"Prepare for an attack. East, 4 o' clock!" Masiglang sabi nito still with that weird smile plastered on her angelic face.

Napangisi ako ng biglang lumitaw ang tatlong estudyante sa eksaktong lokasyon na sinabi ng babaeng masiyahin.

Accurate. Pretty accurate.

When I'm already satisfied with what I observed and saw, walang pakealam na tumalon ako pababa sa puno bago tahimik na tumakbo palayo sa dalawang grupong naglalaban na ngayon.

Muli lamang akong bumalik sa itaas ng puno ng matanaw ko ang torch na may blue na apoy.

And the moment na makalapit ako sa torch na yun, nangunot ang noo ko ng makitang iisang estudyante lang ang nagbabantay ng torch na may blue na apoy, at yun ay ang leader nila. That girl wearing leather crop top and boots.

Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon