Ireneia Xyke Vein
*2 years later*
Secrets.
All my life I have lived with oceans of it.
All my life I had struggled to find where I truly belong.
Now I finally know where.
2 long years have finally passed.
Ang digmaang inaasahan naming mangyayari noong ikaapat na blue moon ay hindi naganap dahil sa isang hindi malamang dahilan.
Siguro ay nabago na ang propesiya.
Siguro ay nabago na namin ang daloy ng propesiya.
"Prinsesa." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ng kanang kamay ko bilang bagong Heneral ng first troop ng Alta guild.
Tatlong buwan na simula ng mailipat kami sa Alta guild ng mga kasamahan ko sa alphas noon, maliban kay Helios na mas maunang nalipat kaysa saamin.
Sa suporta naming lahat, naunang nailipat si Helios dito bilang Heneral. He sat on this position for almost 2 years ngunit maaga din nya itong naiwan nang mapromote sya bilang commander in chief, halili sa dating commander na si Demeion.
Madami ng nagbago sa Heleina Cross.
Mas humigpit ang seguridad sa buong kaharian at mas dumami rin ang estudyanteng ginustong sumama sa hukbong panglabanan ng Heleina Cross.
Nabago din ang patakaran sa pagpapasok ng estudyante sa Heleina Cross Academy. Kung dati ay pili lamang ang nabibigyan ng prebiliheyo na makapag-aral doon, ngayon hindi na. Lahat ng kabataan at pasok sa training age ng isang mage ay pumapasok na ngayon sa akademya.
Lahat ng kabataan ay kailangang matutong lumaban, lahat sila ay kailangang matutong protektahan hindi lamang ang sarili nila kundi ang mga mahal sa buhay nila dahil walang nakakaalam kung kailan magaganap ang digmaang noon pa sana natuldukan. Walang nakakaalam kung ano ba ang binabalak ng kabilang panig.
Hindi dapat kami makampante.
"Pinapatawag ho kayo ng Mahal na Hari." Nakayukong sabi nito na sinuklian ko lamang ng isang simpleng tango.
Ano nanaman kaya ang kailangan saakin ng ligalig na iyon?
I rolled my eyes before walking towards the door of my office at walang imik na naglakad palapit sa kabayo ko bago patalon na sumakay doon at pinatakbo na iyon pabalik sa tahanan ko, ang palasyo.
"What the hell do you need again?" Walang kagatol-gatol na tanong ko habang papasok sa loob ng marangyang kwarto nya.
"Grabe ka naman sakin insan. Hinahanap ka kasi ni mama. Wag ka namang highblood dyan!" Nakabusangot na sabi ni Ezekiel habang naglalakad papalapit saakin.
Napabuntong-hininga na lang ako ng yakapin ako nito ng mahigpit.
"Long time no see. Masyado ka kasing busy sa training mo kaya namimiss ka na namin ni Ina." Nagtatampong sabi nito bago ako inakbayan at inakay papunta sa library ni Tita Helena kung saan naabutan namin syang nagbabasa ng isang makapal na libro.
Her eyes immediately flew onto mine bago mabilis na tumayo at naglakad papalapit saakin.
Like what my cousin did when he saw me, Tita Helena also enveloped me inside her arms. Marahan din nitong hinahalpos-haplos ang mahabang buhok ko na may puting highlights.
"I missed you My dear. Palagi ka na lamang wala~kayong magpinsan! Palagi na lamang kayong wala. Tuloy ay lagi din akong mag-isa sa napakalaking palasyong ito. Bakit ba kasi masyado kayong mabilis tumanda?" Reklamo nito na ikinabuntong-hininga naming dalawa ni Zeke.
"I'm sorry tita. Marami lang akong inasikaso sa Earth Kingdom. Kailangan ko kasing panatilihing ligtas ang anim na realms bago ako muling mamalagi ng tuluyan dito sa Heleina Cross. Ganun din naman si Ezekeil, sana ay maintindihan nyo. Pangako babawi ako sa mga susunod na araw." Hininging paumanhin ko dito bago sya binigyan ng isang alanganing ngiti.
Lumawak naman ang ngiti nito bago tumango at kumapit saaming dalawa ni Zeke bago kami inakay pababa sa kusina ng palasyo.
Namiss ko ito.
Bulong ko sa utak ko habang tinitignan si Tita Helena na ngayon ay masayang pinagbibake kami ng kung ano-ano ni Zeke.
Napa-iling na lang ang bagong hari ng Heleina Cross.
Lihim naman akong natawa dahil sa sitwasyon namin ngayon.
Ang Hari ng Heleina Cross at ang bagong heneral ng hukbo ng alta guild ay itinuturing na batang paslit ng inang reyna ng kaharian. Who would have thought right?
Kung hinahanap nyo ang ibang myembro ng alphas? Nasa kanya-kanyang realms sila kung saan sila nadestino para sa personal na training at sa isang buwan pa ang nakatakdang balik ng mga iyon.
Si Helios naman ay abala sa pakikipagpulong sa iba pang commander in chiefs ng apat na realms para na din panatiliin ang kaayusan sa patakaran at kasunduan ng bawat isa.
I, on the other hand, just came back from my own personal training as the new General of Alta Guild.
You might be thinking, nasaan na ang nakakairitang dating heneral ng Alta Guild?
After Helios was appointed to become her replacement, ang balita ko ay bumalik ito sa realm nila, ang Water kingdom to maybe drown herself? Just kidding.
Ang totoong balita ay nagtuturo ito doon ng hand to hand combat sa mga bata at sa mga matatanda na gustong matuto para din ata ihanda ang mga ito sa darating na digmaan.
Who would have thought na kaya din pala nitong gumawa ng mabuti diba?
"Malalim ata ang iniisip mo Ireneia?" Nag-aalalang tanong ni Tita Helena saakin. Akmang sasagot na sana ako ng biglang maunahan akong sumagot ng walang kwentang hari ng Heleina Cross.
"Wag mo yan pansinin Ina. Namimiss lang nyan si Helios." Parang tangang sabi nito habang punong-puno ng cookies ang bunga-nga.
Inambahan ko ito ng suntok na ikinatawa nito kaya ang tuloy ay nabulunan sya dahil sa akmang pagtawa.
Buti nga.
I gave him a smirk bago nang-aasar na kumagat sa masarap na cookies na binake ni Tita Helena para saaming dalawa.
He, on the other hand ignored me bago inabot ang baso ng tubig na kinuha ni Tita ng makita na nangingitim na sya dahil sa nahihirapan syang huminga.
That's called Karma for making fun of me.
![](https://img.wattpad.com/cover/182338471-288-k742270.jpg)
BINABASA MO ANG
Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta Guild
Fantasia#4 in Fantasy Adventure as of May 31, 2020 #2 in FantasyFiction as of August 5, 2020 #1 in FantasyFiction as of August 12, 2020 •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• Secrets. All her life she lived inside secrets. All her li...