Chapter Sixty Three: Vision

2.8K 109 5
                                    

Ireneia Xyke Vein

"Nagising na ba sya?" Tanong agad sakin ni Fritzale pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ni Cashiella na tinitignan ngayon ng mga healers. It's been two days since she fainted and since then hindi parin sya nagigising.

"Wala paring pagbabago. Nasa loob si Kairo at si Tita Ash." Sagot ko sakanya bago naglakad palayo sa silid na yun. Kailangan ko kasing pumunta sa Hile Cross ngayon para tignan ang ginagawang ward dito.

"Yeah. I need to go back to the Academy too. I need to facilitate the levelling week and then afterwards the trainings of the students. Argh. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na tinanggap ko ang trabahong ito!" Reklamo nya na ikinangisi ko naman. Who would have really thought na tatanggapin nya ang trabahong yan?

Naghiwalay kami pagdating namin sa bunggad ng palasyo. She rode a carriage na magdadala sakanya sa Academy habang ako naman ay sumakay sa kabayo ko dahil may kailangan pa akong asikasuhin sa guild bago ako pumunta sa Hile Cross.

Halos kalahating oras ang tinagal bago ko tuluyang narating ang Guild. Papalapit pa lang ako sa gate ng guild ay bumubukas na ito dahil alam kong malayo pa lang ay natanaw na nila ang pagdating ko. Isang simpleng tango ang sinukli ko sa mga warriors na sumaludo saakin bago nagtuloy-tuloy sa main building ng guild. Tinigil ko ang kabayo ko sa mismong harap ng malaking double door ng main building before getting off of my horse. Isang warrior ang lumapit saakin para kunin ang kabayo ko para itali ito but I refused dahil kayang-kaya ko namang gawin yun ng mag-isa. Hindi naman ako nagmamadali kaya hindi ko toh kailangang iutos pa sa iba.

Muli akong sinalubong ng saludo pagkapasok ko sa main hall pero hindi kagaya kanina ay pinili kong dumiretso na sa opisina ni Lukas dahil nandun daw ang lahat ng papeles na kailangan kong pirmahan para wala na akong alalahanin habang tumutulong ako sa pagtatatag ng barrier.

Lukas is indeed an efficient right hand man kaya alam kong kung sakali na sya ang papalit saakin ay siguradong nasa maayos na kalagayan ang guild when I finally decide to step down from my position as the general. Kung hindi nga lang kailangang paglabanan ang posisyon ay direkta ko na itong ipapasa sakanya. I know he'll win it though if ever he decides to join the competition.

...

Copper Knight

"Ano nang balita kay Cashiella, tol?" Salubong saakin ni Kairo pagkababang pagkababa ko pa lang sa kabayong sinakyan ko papaunta dito sa  Quod Aqua o mas kilala bilang water realm.

"Act like the prince that you are Prince Kairo, and to answer your question, the princess of Quod Caeli is still on a deep slumber. Wala namang nakitang mali dito ang mga healers na inatasang magbantay sa kalagayan nito." Seryosong sabi ko dito pero imbes na sundin ang sinabi ko ay nakuha pa nitong mag make face to mock the hell out of me. Kahit kasi gusto nitong manatili doon sa palasyo para bantayan si Cashiella, may kailangan din kaming gawin dito sa Quod Aqua to strenghten our defenses against the dark realm.

"Pupunta ka ba sa Guild ngayon, Kapitan?" Natigilan ako sa paglalakad at panandaliang nagulat sa tono ng boses ni Kairo ng itanong nya iyon saakin. Mabilis din naman akong nakabawi at pormal na hinarap sya.

"Yes, your highness. Tatapusin ko lamang ang pagmomonitor sa mga guildians na nandito bago ako tumungo sa Aqua Guild." Minsan talaga nagugulat pa ako kapag ganito kaseryoso at kapormal si Kairo. Malayong-malayo sa Kairo na nakasama namin noon at sa Kairo na halos araw-araw na kaaway ni Cashiella. Parehas silang dalawa kung tutuosin, mga maharlika ngunit nakasayad sa lupa ang mga paa. Si Lynia lang talaga ang sa unang tingin pa lang ay alam mo na, na prinsesa. Bawat galaw nito ay pulidong-pulido. Halos hindi mo ito makikitaan ng kahit katiting na pagkakamali.

Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon