Chapter Fifty Eight: A little Break

3K 160 62
                                    

Ireneia Xyke Vein

"How is he?"

"Nailipat na po sya sa Infirmary, General. Kasalukuyan po syang pinapagaling ng mga healers." Sagot saakin ng isang warrior na may mataas na ranggo na nakita ko pagdating ko sa tent. Nakasara na ang barrier ng Heleina Cross sa mga oras na ito at matagumpay na natapos din ang atakeng pinaghandaan namin ng mahigit isang linggo.

Ayon sa report ni Lukas saakin ng salubungin ako nito sa border ay wala namang nalagas sa Heleinian na sumabak sa labanan ngayong araw. Madami-dami nga lang ang nasugatan at ilan sa mga ito ay malulubha ang kalagayan gaya ni Helios but aside from that? Wala na kaming ibang casualties na kinaharap.

"How about the rescued mages from Hell's breath?"

"Kasalukuyan pong nasa camp ang mga nailigtas na bihag. Doon na din po sila ginagamot upang hindi sila mapahiwalay sa mga kasamahan nila. Katunayan ay nandun po si Head Mistress Graile, Prinsesa Lynia at ang ilang kasapi sa Elite Squad upang pamahalaan at bantayan ang Camp habang nandito kayo. Nagpapatrol pa po kasi ang first in command at si kapitan Black sa borders upang masiguro na walang dark mages ang aatake saatin ngayon." Detalyadong sagot nito sa tanong ko na sinuklian ko na lang ng isang tango. Nagpaalam na din naman ito saakin na babalik na sa pagbabantay sa lugar kaya naman pinili kong lumapit na lang sa isang medical cart na nakita ko sa isang tabi. May nakapatong na medical first aid kit bag doon na agad kong kinuha para gamutin ang sarili ko. Konting galos, pasa at gasgas lang naman ang natamo ko pero may ilang malalalim na hiwa sa braso, binti, at bewang ko na kailangang magamot.

I was in the middle of giving myself first aid ng biglang may umagaw ng bulak na hawak-hawak ko, saakin. Akmang sisinghalan ko ang taong iyon ng makilala ko kung sino ito.

"What are you doing here your highness?" Nakangising tanong ko kay Zeke na syang gumagamot na saakin ngayon pero imbes na sagutin ako ay engrossed na engrossed lang ito sa pag gamot saakin. Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa mukha nito pero kitang-kita ko sa mga mata nito ang lubos na pag-aalala.

He sighed bago tuluyang sinalubong ang tingin ko sakanya.

"Why do have to do all these Nia? Masyado na bang abala ang lahat para ikaw pa mismo ang gumamot sa sarili mo?" He asked in an annoyed voice na ikinabuntong-hininga ko naman.

"It's fine Zeyk. Kaya ko naman. And besides, they need help more than I do. Konting galos lang toh."

"Konting galos? For fuck's sake Ireneia Xyke! You are a Princess! You can be the Queen kung gugustuhin mo! Just tell me and I would gladly give up the throne so you can fucking rest from all of these!" Napapikit ako dahil sa sigaw nyang iyon. Natigilan din ang lahat ng tao sa paligid at kasalukuyan ng nakatingin sa gawi namin kaya naman sinamaan ko ng tingin si Zeke.

"Do you think I can do that? I have responsibilities as the General of the Heleinian Army and as your guardian! Obligasyon kong protektahan ka at ang emperyo mo~"

"NATIN!" Pagputol nya sa sinasabi ko kaya naman muli akong napabuntong-hininga dahil sa argumentong nagaganap sa pagitan namin ngayon.

"Okay! Natin. Gaya nga ng sinabi mo, I am the Princess of this Kingdom, Zeke. It is my duty to protect this land and everything in it. This is my way of doing my duties. Tsaka isa pa, mas bagay sayo ang korona mahal na hari. You don't know how dashing you are when you wear your crown." Pang-aasar ko sakanya para naman gumaan-gaan ang loob nya. Sanay naman na kasi ako kay Ezekiel. Buti nga wala pa si Tita Helena eh. Nagtatandem kasi silang dalawa na pagalitan ako every time na babalik ako galing sa isang delikadong misyon ay ganitong ganito silang dalawa. Well sigurado akong kawawa din ang bunso ng pamilya namin na si Pierro Dean mamaya. Lahat kasi kami, including Tito Zaffiro ay nabubungangaan sya lalo na kapag madami syang natatamong sugat.

Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon