Chapter Sixty One: Beside you

2.9K 113 39
                                    

Chapter Dedication

BeaBallesteros3

~~~

Kairo Black

"Ibig sabihin, ang Dark Realm talaga ang gustong pamunuan ni Nia at hindi ang Heleina?" Gulat na tanong ni Cashiella na natigil sa pagsubo ng brownies na kabibake lang ni Lindsay.

Nagkibit-balikat lang ako dahil ako man ay hindi sigurado kung yun nga ang plano nya. As the heir of the Aqua Terra, I attended the meeting and was shocked too ng bitawan ni Nia ang mga salitang iyon. Even Helios was shocked about Nia's revelation kaya sino kami para magtanong kung mismong si Helios nga ay walang alam.

"It was his father's legacy to free Zafiro. Maybe gusto lang nyang sundin ang yapak ng ama nya." Seryosong sabi ni Harold na hindi man lang nakuhang tanggalin ang tingin nya sa librong hawak. Nasa tabi nito ang tahimik din na si Aminah Alana na may hawak din na libro tungkol sa history ng Heleina Cross.

"That actually made sense. Siguro gusto lang nyang ipagpatuloy ang nasimulan ni Ireneio Vein." Tumatangong pagsang-ayon naman ni Nikolei na inaalalayan paupo si Lindsay sa tabi nya.

"Hindi lang ako makapaniwala kasi kahit si Commander ay walang ideya sa balak na yun ni Nia~can you stop that?" Inis na sabi ni Lukas sa huling mga salita dahil sa isa pang Donovan na nilalaro ng balahibo ng ibon ang tenga nya. I chuckled dahil ngayon ko lang nakitang napikon ng ganyan si Lukas. Kadalasan kasi, sya yung nang-iinis at mapang-asar, but now, the tables have already turned. Alaya Amirah pouted bago padabog na sinandal ang likod nito sa sandalan ng couch na kinauupuan nito at ni Lukas. Walang kibo naman sa tabi ng dalawa si Copper na pinaglalaruan ang maliliit na shurikens sa mga palad nito.

"Let's just trust Nia. Alam nya ang ginagawa nya. Suportahan na lang natin sya." Sabi naman ni Luques na sinusuklayan si Lynia na nakaupo sa pagitan ng mga hita nya. I pouted. Nakakainggit talaga tong dalawang toh. I unconsciouly turned to Cashiella na busy sa pagkain ng brownies.

"Mga tol! Hustisya naman! May single dito! Napakapakipot kasi ng isa dyan! Nakakapagod na din maghintay!" Kunwaring reklamo ko habang nakaabang sa magiging reaksyon ni Cashiella. Alam ko naman kasi na maiinis lang ito o di kaya naman ay babatuhin ako ng kung ano-anong salita gaya nung nakaraan. But it did not came. Hindi ako nito binato ng kung ano. Hindi din nya ako tinapunan ng tingin. But I noticed how she swallowed hard bago parang nababalisang pinagpag ang kamay bago tumayo.

"A-ahh a-ano, labas muna ako." That and she basically ran outside. Nangunot ang noo ko dahil malayong-malayo ang reaksyon nya ngayon sa karaniwang reaksyon nya sa tuwing inaasar ko sya tungkol sa panliligaw ko. I was pulled back from my deep thoughts ng batukan ako ng kung sino.

"Gago! Tatanga ka na lang ba dyan? Bakit hindi mo sundan?" Medyo inis na sabi ni Luques na sya palang bumatok saakin. Para naman akong natauhan sa sinabi nya kaya agad din akong tumayo para patakbong sundan sya.

Dahil nasa palasyo kami ngayon ng mga Psyke ay naging madali lang sakin ang hanapin sya. Wala naman kasing ibang pinupuntahan si Cashiella dito kundi ang pinakamataas na balkonahe dito na nakatanaw sa lawa kung saan namin nakuha ang ikalawang bahagi ng propesiya noon.

"Hey." Pagkuha ko sa atensyon nya pero imbes na lingunin ako ay nanatili lang syang nakatanaw sa lawa. Kaya hindi na din ako sumubok na magsalita ulit. Gusto nya yatang mapag-isa talaga. I sighed at akmang maglalakad na paalis ng sawakas ay magsalita na sya.

Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon