Chapter Fifty Nine: With Him

3.2K 136 12
                                    

Ireneia Xyke Vein

I woke up dahil sa ingay sa paligid ko. I stirred and stretched bago kinusot-kusot ang mga mata ko. Ilang oras kaya akong tulog?

"Nia! You're awake!" Malakas na bati saakin ni Nikolei na ikinatawa ko.

"Kung makapagreact ka parang ako yung nacomatose ah." Nakangising komento ko bago naupo mula sa pagkakahiga ko. Wala sa sariling napatingin ako sa orasan na nasa gilid ko only to be shooked ng makita ko kung anong oras na.

May trabaho pa ako! Hindi man lang nila ako ginising! Dali-dali akong nagsapatos at handa ng umalis ng biglang may magsalita.

"Nasanay ka na bang tulog ako kaya hindi mo nahalatang gising na ako?"

Unti-unti akong lumingon sa gawi ng kama kung saan nakahiga ang lalakeng pitong araw ko ng hinihintay na magising. And there, I saw him, completely awake habang nakangisi saakin. My eyes watered habang nakatingin sakanya. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil gising na sya ngayon.

"Hindi mo man lang ba ako yayakapin?" He teased once again kaya imbes na maglakad palabas ay lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa pwesto nya bago sya dinamba ng yakap.

"Nubayan! Naglabing-labing na! Tara na nga guys! Baka kung saan pa toh umabot makakita pa tayo ng live porn dito." Panunukso ni Kairo kaya pasimple ko syang tinapunan ng dark ball habang nakayakap parin ako kay Helios.

"Aray ah!" Daing nya dahil natamaan parin sya. Kung ano-ano kasi ang lumalabas sa bibig.

"I missed you." Mahina ngunit masuyong bulong ko sakanya before burrying my face sa pagitan ng balikat at leeg nya. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito saakin kasunod ng pagdampi ng malambot nitong mga labi sa nakalantad na bahagi ng balikat ko.

"I missed you more Nia. Gods! I love you!"

Kumawala ako sa yakap nya bago sya tuluyang hinarap. Finally. I can stare at his eyes once again. Ang mga mata nyang unang minahal ko sakanya.

"Kamusta ka? Mabuti na ba ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo?" Sunod-sunod at nagaalalang tanong ko sakanya habang inieksamina ang katawan nya. He let out a soft chuckle bago hinuli ng dalawang palad nya ang mukha ko. He titled my head paharap sakanya before leaning down his head for a fast kiss.

"I'm perfectly fine babe. Kagabi pa ako nagising at nacheck na din ako ng healers bago ka pa magising. Masyado kang pagod kagabi kaya pinili kong wag ka na lang istorbohin sa pagtulog." He explained kaya tuluyan na akong napabuntong-hininga because of relief.

Thank gods he's finally alright.

Muli akong yumakap sakanya at ganun din naman sya saakin. Inayos ko na din kasi ang higa ko sa tabi nya para hindi sya gaanong mabigatan saakin kumpara kanina na halos nasakanya ang lahat ng bigat ko. We were like that for I don't know how long until bumukas ang pinto at iniluwa noon ang ina ni Helios na nakangiting nakatingin saaming dalawa. Akmang bababa ako para sana bigyan sila ng espasyo ng maramdaman ko ang paghigpit lalo ng yakap ni Helios saakin. Yun nga lang ay nakita ito ni Tita Kira kaya napabunghalit ito ng tawa.

"Ayaw mo man lang pakawalan yang si Ireneia, Helios! Hindi naman yan maaagaw ng kahit na sino." Nanunuksong sabi nito kay Helios na ikinapula naman ng mukha ko.

Heleina Cross Academy of Magic Part III: Alta GuildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon