Chapter 2

115 63 14
                                        


Serene's POV

Kakagising ko lang ngayon at tinatamad padin akong tumayo as usual. Umuulan ngayon kaya naman mas lalo akong inantok kahit kakagising ko lang. May sakit na yata ako eh kasi kahit anong tulog ko ng maaga, nagigising padin ako ng madaling araw.

Napailing nalang ako at tumayo na at pumunta sa CR ng kwarto ko. Tangina anong amoy yon. Pagkaangat ko ng takip ng inidoro bumulaga sakin ang mabahong amoy pero wala ng tae. Putragis dapat naglolock na talaga ako ng kwarto eh. Bad trip umagang umaga eh. Nagspray nalang ako ng Lysol tska binuksan yung maliit na bintana. Naghilamos ako tska na ako bumaba mula sa kwarto ko.

Naririnig ko na ang tawanan nila. Ang iingay as always pero mas okay na yon kesa tahimik sila kasi sobrang kakaiba kapag nanahimik ang mga yan. Pagkarating ko sa dining area nakaupo na silang lahat don at syempre si Caroline ang nasa kabisera. Hindi man sya yung nanay o tatay, siya padin pinakamatanda dito. Ako ang nasa kabilang dulo ng kabisera dahil nga ako yung pinakabata. Umupo na ako at kumuha ng pagkain ko.

"Oh andito na pala si Serene!" banggit ni Caroline sabay turo sakin. Nagtinginan naman sila at tska sabay sabay na nagulat.

"In fairness medyo maaga, improving!" sabi naman ni Queenie. Di ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila at nagpatuloy nalang sa pagkain. Di ako ganon kadaldal kasi tamad akong magsalita. Matapos ko kumain ay pinuntahan ko agad ang ref namin at kumuha ng banana milk. Favorite ko toh sa lahat ng gatas tska mahilig talaga ako sa gatas dati pa hehehe.

"Hoy Serene!" tawag sakin ni Irene bago pa ako makapak sa hagdan.

"Hmm?" sambit ko nang lingonin ko sya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito habang hinihila kamay ko palapit sakanya.

"Sa bubong" seryosong sabi ko

"Bobo umuulan!" okay nabobo pa ako, sorry naman.

"Malamang sa kwarto" wala pading nagbago sa tono ng pananalita ko.

"Ay nako magkukulong ka na naman buong araw sa kwarto mo! Labas labas din!" binitawan ni Irene ang kamay ko at pumamewang.

"Umuulan eh" napaface palm nalang sakin si Irene at umiling iling. Lumapit sya sakin at inakbayan ako sa leeg. Potangina nakakasakal!

"Anoba!! Nakakasakaaaal!" reklamo ko pero syempre di sya nakinig hanggang sa makarating kami sa sala.

"Wag ka muna kasi umakyat sa kwarto mo anobayan, mabubulok ka na don eh!" sabi ni Irene habang sinasakal padin ako

"Di ako nabubulok don!" reklamo ko uli

"Basta dito ka muna!" hay nako naman. Gusto ko lang naman magrelax sa kwarto ko ehhh

"Tsk wala naman akong choice eh" napairap nalang ako kasi wala naman talaga akong magagawa.

"Buti nga" pagkasabi niya nito ay binitiwan nya na ako at pumunta sa dining area.

Umupo nalang ako sa sofa namin at tumabi naman sakin si Caroline at yumakap sakin, pati si Queenie ay tumabi din. Nasa kabilaan ko silang dalawa na nakayakap sakin. Gusto ko lang naman uminom ng banana milk, bakit may obstacle course pa? bakit may challenge pa??

"Minsan lang toh bumaba, sulitin na!!" sambit ni Caroline at mas lalong siniksik ang sarili nya sakin. ang harot naman.

"Kaya di toh bumababa sa kwarto nya kase alam nyang dudumugin natin sya eh" sabi naman ni Stella at pumwesto sa tabi ni Caroline, sumunod naman si Tempest na pumunta sa tabi naman ni Queenie.

Unexpectedly YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon