Third Person's POVUmaga na. Nagising na si Irene, ang nanay ng grupo para gisingin ang iba pang members ng Amorous. Una niyang ginising ang tatay ng grupo na si Daphne. Sumunod naman ang pangalawa sa matino na si Queenie dahil siya ang magluluto ng umagahan nila. Kusa namang gumising si Camille, ang pinakamatinong ate. Si Stella, ang mahangin ay sumunod nadin magising nang pagalitan sya ni Irene, ganon din ang sinapit ni Tempest.
At dahil sa pagsisisigaw ni Irene, ay nagising si Claire at Rosie, mababait na demonyo. Sunod na pinuntahan ni Irene ang kwarto ni Caroline kung saan tulog na tulog pa ito. Hinila ni Irene ang paa nito kaya naman nagising na ito. 9 done, 1 to go.
Ang pinakamahirap gisingin, si Serene, the abnormal hambog. Huminga muna ng malalim si Irene bago tuluyang pumasok sa kwarto nito. Di na nakakagulat na nadatnan niya itong tulog padin.
"Hoy bobo! Gumising ka na dyan!" sabi ng nanay habang tinatapik ang braso ni Serene ngunit walang imik padin ang babae. Kinakabahan si Irene marahil ito ay nananapak kapag nasisira ang tulog nito.
"Bumangon ka na dyan! Si Minjae nandon sa baba, hinahanap ka na!" pangungumbinsi ni Irene sakanilang bunso. Ngunit ito ay nagtalukbong lamang at lalong lumapit sa kaniyang bluetooth speaker na tumutugtog. Napahilamos nalang ng mukha si Irene at hinayaan nalang matulog ito.
Nang makababa si Irene mula sa kwarto ni Serene ay nadatnan nito si Stella na nakatayo sa harap ng CR.
"Hoy! Tempest ano na?! Natatae na ako!" sabi ni Stella habang kumakatok sa pinto. Binatukan naman ni Irene si Stella kaya't napatingin ito agad sakanya
"Bobo! May CR pa tayo sa taas!"
"Ah shet onga pala! Bye na!" sabi ni Stella at mabilisang umakyat sa hagdan.
Pumunta naman si Irene sa kusina at nadatnan si Daphne, Queenie, Camille at Rosie na nagtutulungan na maghanda ng kanilang almusal. Hindi nila napansin na nandoon si Irene sapagkat nagpapatugtog sila ng mga kanta. Ito ay pumunta naman sa sala at nadatnan si Caroline na nakatulog muli sa isang sofa. Si Rosie ay lumabas mula sa kusina at pumunta sa sala. Ito ay dumiretso agad kay Irene.
"Irene, wala na tayong banana milk..." nagaalangang sambit ni Rosie kay Irene.
"Ano?! Jusko bumili ka, isama mo si Claire at Caroline, patay tayo kay Serene nito eh! Sino umubos?" gulat na sabi ni Irene
"Hehehe ako" sabi ni Rosie at kinamot nito ang kaniyang batok dahil sa hiya.
"Sasabunutan kita! Ininom mo yung huling banana milk sa ref! Gisingin mo na si Caroline hangga't di pa nagigising si Serene!" sambit ni Irene at umamba pa ng kamao kay Rosie. Natawa naman si Rosie sa akto ni Irene.
Pagkasabi ni Irene nito ay kumilos agad si Rosie at umalis na sila upang bumili sa Korean Mart.
_______________________________________________
introduction palang naman hehehe kung naguguluhan kayo sa mga names kasi madami sila, okie lang yan! masasanay din kayo~
sorry in advance 🙏
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Randomwhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If