Serene's POVKakatapos lang namin manood ng movie at pauwi na kami ngayon. Napagpasyahan ko na magpasundo nalang dun sa driver ko para susyal.
"Ate Rene, bawal ka talaga magsleep over dito?" nagmamakaawang tanong ni Bri sakin.
"Last night ko na kasi sa okada Bri" sabi ko sakanya at etong si Lawrence ayaw umalis dito. Gusto kay Brielle myghod.
"Sabi mo yan ate ah? Sleep over sa susunod!"
"Mommy! I will miss you but i want to stay longer with ate Bri"
"It's okay baby. Mommy will fetch you tomorrow, okay? I'll miss you!" sabi ko at hinalikan ang noo nya. Nagpaiwan naman sya sa kwarto kasama ang isang yaya.
Lumabas na kami ng kwarto at nadatnan namin si Caroline at Jude na naguusap. Mukhang close na agad tong dalawa kasi kanina pa sila naguusap eh.
Speed.
Lalapit na sana kaming dalawa sakanila nang magulat kami nung hampasin ni Caroline ang pwet ni Jude at nagulat din siya sa ginawa ni Caroline. Hoy mayghad ang speed.
"Anong trip mo?"
"Laki kasi ng pwet mo, nakakagigil" tuwang tuwa na sabi ni Caroline.
"Tumigil ka nga dyan" sabi ni Jude at umiwas ng tingin. Ay nahiya.
"Jude, ihatid mo si Caroline pauwi samin. Walang magsusundo sakanya." sabi ko at lumakad ma palabas ng bahay. Sumunod naman silang tatlo sakin palabas.
"Ikaw?"
"May driver ako pero di ako sa bahay namin uuwi"
"Ge" pagkasabi niya nito ay hinila na agad nya si Caroline paalis. Ang dali kausap nito ah, mukhang magiging ninang na ako.
"Bri alis na ako ah?" sabi ko at nagyakapan kami. "Alagaan mo yan si Lawrence! Kapag may kailangan ka--"
"Ate don't worry about it! Ako bahala, rest ka na" napangiti nalang ako at kumaway sakanya bago lumabas ng gate nila. Nakita ko naman agad na nadon na ang sasakyan kaya sumakay na ako at nagpahinga.
~~~~~
"Ma'am, nandito na po tayo" nagising naman agad ako sa sinabi ni Kuya Driver at nagpasalamat sakanya.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at wala akong Minjae na nadatnan don. Late na toh uuwi for sure.
Nagshower na ako st nagbihis ng pantulog ko bago humiga sa kama. Pagod na pagod ako di ko alam bakit pero sa dami ba namang ginawa ngayong araw hindi ba ako mapapagod nyan? Kulang pa ako sa tulog, bwiset.
Pumikit na ako dahil inaantok na talaga ako at malapit ko nang makuha ang tulog ko nang may dumagan sakin.
PUTANGINA?!
Napadilat agad ako at nakita ko si Minjae na nakapaibabaw sakin. Punyeta ang bigat ng hinayupak na toh, sakin pa talaga humiga.
Pinipilit ko syang igalaw kaso yumakap sya bigla sakin. Ano ako body pillow?! Tangina ang lakas ng amoy ng alak. Naglasing pa kase di naman pala kaya.
"Hoy Minjae, tayo!" tanging ungol lang ang sinagot nya sakin at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
"Minja--" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil ang deputang ito ay sumuka sakin. Punyeta hindi naman sa maarte pero kakashower ko lang jusko po!
Matapos nyang isuka lahat ay gimamit ko na ang buong lakas ko para lang maalis sya sa pagkakaibabaw sakin. Tumayo ako at pumunta agad sa CR para ihubad ang shirt ko at nagrobe nalang muna.
Kumuha ako ng panglilinis ko sakanya at damit nya. Pupunasan ko sya para guminhawa naman pakiramdam nya at nadumihan din kasi shirt nya.
Pumunta agad ako sakanya at mukhang mahimbing na tulog nya. Pinunasan ko na sya at hinubad na shirt nya. Putanginang katawan yan.
Hindi ko nalang masyadong inisip at binigyan ng malisya at tinuloy nalang ang pagpupunas sakanya nang bigla syang tumawa.
"Bakit?"
"Anoba, natuturn on ako eh" he said huskily. Okay putangina, in danger ako ngayon.
"Shut up." Sabi ko at binato ang shirt nya sa mukha nya at iniligpit na ang pinampunas sakanya bago ako kumuha ng sarili kong damit dahil mukhang kailangan kong maligo dahil pati buhok ko, may suka.
Pumasok na ako sa CR at sinimulan nang magshower. Nakakainis kasi ang hirap mawala ng amoy putangina mo Minjae! Ako pa talaga sinukahan mo sa lahat ng pwedeng sukahan.
Nagbabanlaw na ako nang makarinig ako ng door knob na parang kumakalas. Napalingon naman agad ako sa pinto at nakita ang shirtless na Minjae.
PUTANGINA PART TWO?!
Tinakpan ko agad ang mga kailangan takpan shutanginamerse na iyan! Anong ginagawa ng hinayupak na toh dito?!
"Bakit di mo ako sinama sa pagligo, hmm?" ang husky ng boses nya mga pare! Ang seryoso ng tingin nya sakin habang palapit sya. Hindi naman ako nakasagot at dahil don, ngumisi sya!
"T-teka pano ka nakapasok?" takang tanong ko habang naghahanap ng lugar na mapagtatauan dito. Shuta yung towel ko kase malapit sakanya shit nga naman!
"Simple, sinira ko door knob" sabi nya at tumigil sa paglalakad nang malapit na sya sakin.
"ANO?!" hindi nya pinansin ang sinabi ko at tinuloy na ang paglapit sakin.
"Baby, you look gorgeous..." sabi nya at inilapit ang mukha nya sa leeg ko. Putangina nalang jusko!!
Ramdam na ramdam ko ang paghinga nya na nagdadala ng kakaibang kilabot sa buong sistema ko.
"M-minjae..." medyo nanghihina kong sabi pero hindi sya sumagot.
"Minjae?" ulit ko kaso hindi padin sya sumagot kaya sinulyapan ko sya. Nakatulog na pala habang nakayakap sakin. Puta buti napatay ko yung shower kundi mahihirapan pa ako sa pagbibihis ng pambaba nya.
When shit happens nga naman!
Wala na akong nagawa kundi alalayan sya paupo sa inidoro at nagrobe na agad bago ko siya inakay papunta sa kama. Ako nadin nagsuot ng pantaas nya at nagbihis nadin ako.
Nakakatrauma yung nangyari jusko! Pano na tong sirang door knob na toh? Talagang sinira nya pa para lang makasama ako maligo?!
Bwiset na toh, parang ayoko tuloy tumabi sakanya. Lumapit nalang ako sa bintana at tinignan ang mga bituin.
Hayss...pero mamimiss ko din toh.
Bukas na kasi flight nila pauwi sa Korea. Hapon pa naman kaya may onti pang time. Nilingon ko naman ang natutulog nyang pigura at napangiti ng malungkot.
I shook all those thoughts off my head and decided to lay down beside him. Ako naman ngayon ang yayakap sakanya.
Wala namang masama kung sulitin ko na ang natitirang oras na kasama ka...
________________________________________________
short update lang hikhok 😗

BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Randomwhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If