Serene's POVNandito na kami sa lugar kung saan gaganapin yung fan signing event. Dahil VIP kami, kami yung isa sa mga mauunang makipagusap sa mga members at after the event, pwede kaming magkipagpicture sakanila and stuff.
Dumadami na ang mga tao dito at buti nalang malaki yung space dahil parang pangconcert ang datingan dahil sa dami ng tao na umattend nito.
"Psst Jia" tawag ko kay Jia na busy sa cellphone nya.
"Yes bebs?"
"Bakit ang daming tao?" nagiba naman agad reaksyon nya. Yung tipong di makapaniwala. Anong mali sa tanong ko? Meron ba?
"Gaga alangan fan signing event toh ng idols natin. Sikat sila diba?"
"Eh bakit parang pangconcert yung dami nila?"
"Ewan ko sayo bebs, tanungin mo si google" sabi nya at inirapan ako bago ibalik tingin nya sa phone nya. Kinakabahan ako kasi naman kaming apat pinakaunang makikipagusap sakanila. Si Kuya Simon yung pinakauna, sumunod si Valerie, si Jiara at ako ang pinakahuli saming magkakaibigan. May katabi akong babae dito at halatang excited sya. Sanaol diba?
Kinakabahan talaga ako kahit nameet ko na silang lahat.
"Ate?" tawag ng katabi ko kaya naman napalingon ako sakanya.
"Bakit po?" tanong ko sakanya. Mukha ngang mas bata sya kesa sakin kaya okay lang na tawagin akong ate. Cute sya tapos may salamin din.
"Mukhang kinakabahan po kayo ah?"
"Ah nako pano mo nalaman? Mind reader ka noh?"
"Hehehe hindi naman po! Halata lang po talaga sa mukha nyo"
"Parang ewan talaga si bebs, siya pa may ganang kabahan" sinamaan ko agad ng tingin si bebs pero nakatingin lang sya sa cellphone nya. Kalokang babae!
"Wag mo nalang pansinin sinabi nya" sabi ko nang maibalik ko ang tingin ko sakanya at tumango naman sya.
"Alam mo ate? Wag kang kabahan noh! Dapat excited ka pa mga kasi malalapitan mo na idols mo eh!" kung alam mo lang teh, maglulumpasay ka sa sahig ngayon.
"Ay ano nga pala! My name is Brielle Ferrer but you can call me Bri! I'm 16 years old na! Kayo po?"
"Ah ako si Serene, Serene Francisco. 18"
"Waaaah! Ate ang ganda ng name nyo! Bagay na bagay sayo napakaganda!"
"Hay nako Bri, bolera ka pala. But you don't look bad too! You're pretty cute."
"I know right!"
"Magsama kayo ni Jiara, mahangin"
"Ano na naman meron sa maganda kong name, Serene?"
"Wala" hindi na sila nakaangal pa dahil lumabas na ang Bites at nagsigawan naman ang fans. Oh well what do you expect?
Itong katabi ko sarap tapalan ng duck tape yung bunganga, grabe kung sumigaw pero buti nalang at cute sya. Nakisama naman ako sa pagsigaw pero syempre yung lowkey lang. Sayang boses ko, charot!
Nagperform sila ng song nila at nagintroduce syempre bago magprocede sa mismong fan signing. Tuwang tuwa na ang katabi ko at niyayakap ako kaya naman natatawa nalang ako sakanya at niyayakap sya pabalik.
"Alam mo Ate Serene? Si Minjae kanina ka pa tinititigan! Ahieee iba talaga kapag Ate Serene so beautiful!" nagulat naman ako sa sinabi nya. Hotdog talaga tong si Minjae! Abnormal kala mo di magkasama sa isang kwarto!
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Randomwhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If