Serene's POVMaaga akong nagising kasi pupunta na ako ngagon sa Okada. Hindi ko gagamitin yung kotse ko dahil may susundo daw sakin na sasakyan naman na diretso na sa Okada. Ako lang naman daw sakay don kaya okay na. Naligo na ako at nagbihis ng kumportableng damit kasi mamaya pa naman kukunin yung painting eh. It's just 4:30 am at for sure makakarating kami don ng 5:30 or 6:00 na. Ang meeting naman namin ay hapon pa para may time akong magikot at magrelax muna.
Nagsuot ako ng black na oversized shirt lang tapos nakadenim jacket ako at black na bucket hat. Shoes ko ay black na timberlands kasi gusto ko. May shorts naman ako pero syempre hindi kita. Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko at kinuha ang painting na idadala ko. Pagkababa ko ay naamoy ko na agad ang toasted bread kaya naman dumiretso na ako sa kusina at napagpasyahang sa counter table doon nalang ako kakain.
Nadatnan ko doon si Irene na nagluluto ng umagahan ko at may nakahanda nading banana milk sa counter table kaya naman naupo na ako sa harap non.
"Oh good morning bobo" bungad sakin ni Irene habang patuloy padin sa pagluluto. Di man lang ako nilingon.
"Good morning din" maikli kong sabi habang nagscroscroll nalang sa pinterest ng mga pics ni Han Jisung.
"Kumain ka na muna baka magutom ka sa byahe" sabi nito kasabay ng paglapag nya ng plato sa harap ko
"Yes po, thank you" nginitian ko ito kaya ngumiti din ito pabalik.
"Good luck sa meeting, sige na kumain ka lang at gigisingin ko na sila" sabi nito at lumapit pa sakin para lang sakalin ako.
"Aalis na ako pagkatapos ko kumain kasi padating nadin yung driver ko" feel na feel ko yung pagkakasabi ko nung driver ko kase bakit hindi.
"Wow may padriver HAHAHA sanaol!" sabi nito sabay bumitaw sa pagkakapulupot ng braso nya sa leeg ko "Ingat ka" dagdag pa nito at tinanggal ang bucket hat ko.
"Yes po, thank you uli" ako'y muling nginitian ni Irene kasabay ng paggulo nya sa buhok ko.
"Ge lang" matapos sabihin ito ni Irene ay umalis na sya sa kusina para gisingin na nga ang iba pa naming kaibigan.
Saktong pagkatapos kong kumain ay may bumusina na sa labas ng bahay. Pumunta muna ako sa ref at binitbit lahat ng banana milk ko at nilagay sa bag ko. Lumabas na ako ng bahay namin kasabay ng paglabas ng driver upang pagbuksan ako ng pinto. Kulay black yung kotse at ang interior nito ay purple. Limousine ito kaya malaki din ang space at may mga pagkain pa, more on sweets.
Sinaksak ko na ang earphones ko at nagpatugtog nalang ako at kumain ng chocolates. Syempre yung favorite ko na Reeses ang nilantakan ko. Naubos ko yon kaya naman sinunod ko yung Butterfinger at Ferrero. Dito nalang ako titira sa sasakyan na toh. At dahil maaga ako nagising, natulog nalang uli ako matapos kong kumain.
Fast forward...
Nagising ako nang tumigil na ang sasakyan. Nasa harap na pala kami ng Okada kaya naman isinukbit ko na ang bag ko at kinuha ang painting tska lumabas sa pinto na inaalalayan padin ni kuya driver. Nagpasalamat naman ako at pumasok na sa loob. Pumunta agad ako sa receptionist at pinakita yung vip pass ko. Tumango naman sya at winelcome ako at ginuide ako papunta sa kwarto ko. Nasa may tuktok ang kwarto ko para maganda daw ang view kaya nang makarating kami ay binigay nga sakin ang key card ng kwarto ko kaya naman pumasok na ako.
Bumulaga sakin ang napakagandang kwarto. Malaki sya, kitang kita mo ang fountain sa baba at mga iba't ibang ilaw. Mayroon itong jacuzzi na malapit sa bintana at may sala pa ito at kusina. Basta ang laki ng lugar. Mayroon din syempreng king sized bed at flat screen led tv na 60 inches. May mga pagkain din na nakahanda sa lamesa at may sarili ding ref. Nilagay ko na yung banana milk ko sa ref at pumunta na sa kama upang mahiga.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Randomwhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If