Chapter 19

51 40 1
                                    


Serene's POV

Nandito na kaming lahat ngayon sa dining area. Natext ko nadin si Minjae at sinabi nya na late din sya makakadating sa okada dahil may celebration sila. Antagal dumating ni Caroline kabanas eh! Pati tong kuya nila Levi at Brielle. Eh yung kuya nila magluluto ng dinner since wala yung parents nila.

May mga maid maman sila at chef pero nagpromise daw kasi yung Kuya nila na siya magluluto ng dinner, kaya heto kami, Nagugutom. Charot.

Binigyan naman kami ng miryenda at etong si Jaira, inaasar ni Levi. Ang sungit pa naman nitong si bebs, ayan world war three na siguro toh.

Natigil lang sila pareho nang may narinig kaming pinto na bukas at sumara. Nakita naman agad ni Brielle kung sino yon kaya agad syang tumayo at pumunta sa bagong dating.

Nga pala, yung Levi Ferrer na toh, sya yung pangalawa na kuya. Kaage lang namin sya kaya magkasundo. Ewan ko lang dito kay Jiara, bwiniset ni Levi eh. At etong kuya naman nila na pinakamatanda ay si Jude Lois Ferrer, cold as ice nga daw sabi ng dalawang kapatid nito. Yung mga kaclose nya lang ang nakakatawag sakanya ng Jude kasi abnormal siya. Whatever, lagay ko yan sa freezer, mapanindigan nya lang title nya.

Tignan natin kung kayanin nya yon.

Habang tuwang tuwa akong nagiisip ng iba't ibang torture strategies sa isip ko ay may nagring na cellphone. Putangina, panira ng imagination naman tong tumawag eh.

Ah si Caroline...

"Serene? Nasa gate na kami" sabi nito nang masagot ko ang tawag nya

"Ah teka puntaha--" naputol naman ang sasabibin ko nang may epal na nagsalita. Napatingin naman agad ako sakanya at nakipagtitigan sakanya. Di ako papatalo noh!

"Ako na." sabi nya at umiwas na bago bumalik sa labas.

"K. Oy papunta si Jack Frost dyan tangina ka." sabi ko naman kay Caroline at tumawa naman ang nasa paligid ko. Alam ko naman nakakatawa ako

"Hoyy bakit ka nagmumura!" hala sya hindi pa nasanay sakin

"Kasi may bunganga ako. Bye!" tuwa kong sabi bago ko binaba yung tawag

"Teka--" dinig ko pang sabi nya kaso pinatay ko na yung phone ko. Feeling ko type toh ni Caroline, pero ako padin nanalo sa pataliman ng tingin. No one can't resist being intimidated by my presence. Oh panis english yan!

"Ate Rene!" tawag ni Bri sakin kaya naman napatingin ako agad sakanya

"Hmm?"

"Pano mo natitigan ng ganon si Kuya Jude? Di ka man lang ba naintimidate sakanya, lakas ng presensya non" mukhang bilib na bilib sakin ang dalawang toh ah? Sus basic.

Sorry mayabang incoming.

"Malakas presensya nya, pero mas malakas ako tsk" cool ko na sinabi. Kayang kayang tunawin ng intimidation ang coldness ng hinayupak na yon.

"Kita mo yan Kuya Levi?! Ate ko yan!" pagmamalaki ni Bri sa kuya nya na ikinatawa ko naman.

"Di naman natin sya kapatid eh" nakangiting sabi ni Levi, halatang nangaasar. Lakas ng topak nitong magkakapatid na toh ah? Sarap idala sa mental.

"Kuya kabwiset ka talaga!" sabi ng bunso at hinampas ang kuya nya.

"Bri, wag ka na magtaka. Nasa paa yung utak nyan" singit naman ni Jia kaso nakita ko namang kumakain lang sya habang nakaearphones. Lakas mambara.

"Kung nasa paa utak ko, ikaw nasa puso ko"

"Pass, masyadong common" sabi ni Jia at hindi man lang nya tinignan si Levi. Gwapo naman si Levi kaso bwiniset etong si Jiara kaya panget na siya sa paningin ni Jia. For sure nagiisip na yan ng mga pwedeng pampatahimik kay Levi. Hays kawawa naman.

Unexpectedly YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon