Serene's POV
"Jae, wag mong sabihing..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.
"Nakita ko toh sa vision board mo, at dito ko naisip na pumunta tayo." sabi nya at inakbayan ako. "Shall we?" tanong nya at nilingon ako. Nginitian ko naman siya at nagsimula nang maglakad papasok sa entrance.
Nasa Gyeongju World kami ngayon kung saan ang pinakamain attraction nito ay ang ride na tinatawag na Draken. Grabe yung ride na toh ang sarap mahimatay. Teka, magrarides na naman kami?
"Minjae rides na naman?" nagaalinlangan kong tanong sakanya. Hindi naman sa natrauma ako nung sa MOA pero parang ganon na nga.
"Bakit? Takot ka na?"
"Mama mo takot. Bakit walang tao? Grabe naman, weekend ngayon ah?" pagpupunto ko, wala kasing tao talaga dito except sa staffs.
"Pinareserve ko buong park para sayo" napatingin ako sakanya ng wala sa oras. Ang yaman naman nitong si Minjae, talagang buong park pinareserve! Ang alam ko malaki talaga kinikita ng Bites tapos idagdag mo pa yung bali-balitang galing talaga sa mayaman na pamilya tong si Jae.
"Napanood ko na yata toh sa What's Wrong With Secretary Kim eh." matawa tawa kong sabi nang matauhan na ako na totoo talagang ginawa nya toh.
"Ayos lang basta ako lang ang Mr. Lee mo, ayos ba yon Secretary Kim?"
"Ginawa mo pa akong secretary, baka hampasin kita dyan eh."
"Luh, hahampasin mo talaga ako kahit di mo sabihin yan" at dahil sa sinabi nya ay hinampas ko na nga sya. Bwiset na lalaki!
"Gagalet! Let's go Mrs. Seo" teka kelan ako kinasal sa lalaking toh? Pakiexplain.
"Mrs. Seo ka dyan! Single ako noh!"
"But i'm here already so you'll never be single again" nakangising banggit nya at tinignan ako na parang may ipinapahiwatig syang ewan.
"And why wouldn't i never be single again?" pagkwekwestiyon ko sakanya. Tumingala siya at nagisip kunyari bago ibalik ang tingin nya sakin.
"Cause i'll never let anything take you away from me" sabi nya habang may malaking ngiti sa kaniyang mga labi. Itinago ko ang gulat na naramdaman ko nang makita ko siyang ngumiti at iniwas ang tingin sakanya.
"Pakyu!" sigaw ko sakanya at nagulat naman ako nang yakapin nya bigla sarili nya at tinignan ako na parang may masama akong balak. "What?!"
"Ikaw pa galet eh gusto mo akong ifuck" nanlaki naman mata ko nang marinig ko ang sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Randomwhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If