Serene's POV"Sinabi sakin ni Minjae na nalove at first sight daw sya sayo!" masayang bulong sakin ni Bri.
"B-bri! Ano ba naman kasi yan! Ano ba tinanong mo sakanya?"
"Hihihi tinanong ko sya kung bakit kanina ka pa nya tinititigan! Sino ba naman kasi hindi malolove at first sight sayo Ate!" kilig na kilig na sambit ni Bri habang niyuyugyog ako. Bri huhuhh parang awa mo na Bri!
"Hindi ko alam?"
"Ehh ako nga ate eh! Nababakla ako sayo. Tutuloy na sana kaso malakas kalaban!" nakapout nyang sabi kaya naman medyo natawa ako sa reaksyon nya. Grabe yung pati sya nabakla ah?
"Bebe Bri! Mas okay ka naman kesa kay Minjae hehehe" sabi ko at yayakapin ko na sana sya nang hilahin bigla ni bebs yung kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
"Hoy bebs anong bebe ka dyan? Pinagpapalit mo na ba ako?"
"H-ha? Ano--"
"Hindi bebs! Okay lang sana kung si Minjae tatawagin mo ng ganyan eh!" pinanlakihan ko sya ng mata at ganon din ginawa nya.
"Basta MiRene is life!" nalipat ang atensyon ko kay Bri at gulat ako mga teh! Kelan ba nauso yang MiRene na yan?
"Tama ka dyan!" sabay na sambit ni Valerie at nakipagapir kay Bri kahit malayo sila sa isa't isa, talagang ginawan nila ng paraan para makipagapir lang.
"Magstastart na ako ng fansclub tapos ako yung president!" sabi ni Bri at mukhang nagiimagine na sya.
"Hoy Brielle! Ako naunang magship sakanila kaya ako Presidente!" singit naman ni Jia. Oh my ghod, tinignan ko ang paligid namin at nagtitinginan na nga yung mga tao sa gawi namin! Napatago nalang ako sa hiya.
"Hindi wala! Hindi mo naman tinanong si Minjae tungkol kay Ate Serene eh!"
"Aba--" naramdaman ko nang susugod na si bebs kaya naman pinigilan ko na sila
"Aish tama na! Nagtitinginan na yung mga tao oh!" hiyang hiya kong sabi habang tinatago mukha ko sa palad ko. Tumigil naman agad ang dalawa kaya naman nakahinga na ako ng maluwag at tinanggal ang palad ko na nakatakip sa mukha ko.
Mukhang hindi magkakasundo tong dalawang toh...
Lumipas na ang oras at natapos na ang event. Time na para sa picture taking ng mga VIP dito. 20 slots lang kasi ang nirelease na VIP tickets and luckily nakasali kami don. Para daw hindi gaano mapagod yung mga idols kaya nila ginawa yon.
3 pm nagstart yung event at nagtapos ng 5. Pero yung mga VIP, hanggang 5:30 para may chance silang makipagpicture.
Katulad kanina, naunang magpapic si Kuya Simon at sumunod kami sakanya. Nung turn ko na ay medyo nahiya naman ako, medyo lang naman!
Pumunta ako sa tabi ni Hyunmin pero hinawakan nya ang balikat ko at nilagay ako sa tabi ni Minjae at agad naman akong inakbayan nito. Naghiyawan naman ang mga tao at tinignan ko si Bri at mga kaibigan ko at kilig na kilig sila sa nangyayari.
"Don't be shy, baby. Just smile" bulong sakin ni Jae kaya naman ngumiti nalang ako sakanya.
Pagkatapos ng picture ay hindi padin bumibitaw si Minjae sa pagkakaakbay sakin kaya tinignan ko sya ng makahulugan at nagets nya naman kaya tinanggal nya na ang kamay na nakapulupot sa balikat ko at umalis na ako agad.
Nang makalapit na ako sa mga kaibigan ko ay agad akong hinampas ni Achi at si Bri naman ay niyakap agad ako ng mahigpit.
"Waaaah! Ate ambango bango mo! Kaya pala gusto kang kaakbay ni Kuya Minjae!" tuwang sabi niya kaya naman natawa nalang ako at niyakap sya pabalik.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Randomwhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If