Serene's POV
Gumising na ako at ginising ko nadin si Lawrence. Pinaliguan ko muna sya bago ako maligo. Nang matapos kaming magayos ay kinuha na namin ang mga gamit namin at bumaba na. Pumunta kami sa receptionist at sinabi ko na magpapahatid ako sa driver ng okada. Tsk sinundo kasi ako kaya wala tuloy akong sasakyan. Katamaran ko talaga!
Pumunta na kami sa entrance at nakitang nandoon na ang kotse. Nagpahatid naman muna ako sa bahay na tinitirhan ko para iiwan muna doon si bebe boy ko. Sinabi ko kay kuya driver na itetext ko nalang sya kapag aalis na uli kaya binigyan ko muna sya ng pera pangmiryenda nya. Hapon nadin kasi kami nagising ni Lawrence kaya naman ganon.
Pumasok na agad ako sa bahay at nadatnan silang lahat na nagmimiryenda sa sala habang nanonood sa Netflix. Hay nako oo! Tutok na tutok sila sa pinapanood nila kaya di nila napansin ang pagdating ko.
"Mommy, who are they?" bulong sakin ni Lawrence. Napangiti naman ako.
"They are mommy's friends"
"Ohhh they look fun to be with!"
"Hmm yeah...you're going to stay with them for a while okay?"
"But why mommy?" nalungkot ang tono ng boses nya. Hala baby boy don't be sad huhuhu aya tuloy kitang iwanan!
"Mommy needs to talk to someone and you're not allowed to be there" sabi ko at nagpout. Hinawakan naman nya ang magkabilang pisngi ko
"Don't worry mommy! I'm a big boy na! You can talk to someone pero mommy dont forget Lawrence ah!" sabi nya at hinalikan ang ilong ko.
"Of course baby! I would never forget you" sabi ko at tinadtad sya ng halik kaya naman nakiliti sya at tumawa.
"UY SI SERENE!" narinig kong sigaw ni Caroline kaya naman nabaling ang atensyon ko sakanila at lahat naman sila ay nakatingin na samin.
"Wow naman Serene, dalawang araw ka lang nawala dito, may anak ka na agad!" sabi naman ni Stella at lumapit sakin kasama si Tempest.
"Ang cute cute naman ng baby na ito!! Pwede pa pabuhat?" tanong sakin ni Tempest pero mas humigpit ang pagkakayakap sakin ni Lawrence.
"Mommy are you really going to leave me?"
"Don't be scared okay? Mommy will return as fast as i can"
"MOMMY?!" sabay sabay na sigaw nila. Gusto kong mapaface palm sakanila kaso buhat ko si Lawrence eh. Tumango nalang sakin si baby at hinalikan ako sa cheeks bago nagpasama kay Tempest.
"Mommy! Take care! I'm not there to protect you, also daddy is not there so be careful!"
"Of course baby!" sabi ko and Lawrence just giggled at tinignan na si Tempest. Lumakad na sila uli papunta sa sofa at umupo. Inakbayan naman ako ni Stella at sabay kaming pumunta din sa sala.
"Hoy bobo, explain ka naman dyan noh!" sabi ni Irene at pinagmasdan ko silang lahat. Abang na abang eh, nakatingin lahat sakin. Tsk kwinento ko nalang lahat ng nangyari sakanila at kilig na kilig naman sila! Oo jusko baka mamaya makita ko madami na akong pasa dahil sa panunulak at panghahampas nila. Mas kinikilig pa sila kesa sakin eh!
"Girl! Ang swerte swerte naman! How to be you po!" sabi ni Camille sakin at tumango naman mga kaibigan ko at nagsanaol.
"Pero Serene, bakit kamukha nyo ni Minjae si Lawrence kung hindi kayo yung magulang nya?" tanong naman sakin ni Rosie
"Di ko din alam, coincidence. Tsk nanggigigil talaga ako sa nangiwan sakanya" napaoo nalang sila kasi magulo talaga sa ngayon ang nangyayari. Hindi ko kwinento yung tungkol sa usapan namin ni Claude kasi wala namang kwenta yon.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Casualewhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If