Chapter 9

58 45 0
                                    


Serene's POV

"Get changed. May pupuntahan tayo"

"Where?" i said as he guided me inside the bedroom.

"Malalaman mo din" pagkasabi nya nito ay tinulak nya ako papasok sa CR kasama ang bag ko. Sinarado ko naman yung pinto at binuksan ang bag ko. Tsk ano naman susuotin ko?

"Saan ba kasi para alam ko kung ano susuotin ko"

"Wear something casual"

"Okay?"

With that, I started to look for something casual at nakakita naman ako. White and black na striped oversized shirt at highwaisted maong shorts. Sinuot ko na ito at nagtali nadin ako ng buhok into a ponytail. Matapos ko iligpit ang nagamit kong damit ay lumabas na ako ng kwarto.

Bumungad agad sakin si Minjae na nakaupo sa kama. Nakapalit na siya into black and white na shirt at white na shorts. Okay? Mukha kaming magkapatid na tumakas sa preso.

"Bakit ka gaya gaya?" taas kilay nyang tanong sakin. Attitude ka cyst?

"Malay ko bang ganito din susuotin mo tsk hayaan mo na, katamad magpalit"

"Tama ka dyan! Kaya tara na" after he said that ay lumabas na kami sa kwarto at pumunta sa parking lot. Pupwesto nasa ako sa likod nang pigilan nya ako.

"Ano ako? Chaperone mo? Driver?"

"Tss" napairap nalang ako at pumunta na sa shotgun seat. Pumasok nadin sya sa kotse at nagsimula nang nagdrive.

Matapos ang ilang minuto, nakarating na kami sa lugar na sinasabi nya which is sa MOA. Dun sa Bay area and i smell na magrarides kaming dalawa. Naexcite naman ako kaya lumabas agad ako ng kotse at hinila sya agad.

"Dahan dahan lang! Baka sa sobrang excitement mo mahiwalay na kamay ko sa katawan ko"

"Ehhh tagal ko ng hindi nakakarides eh!!"

"Kalma lang! Toh naman madami pang oras!" He said while laughing. So this is why maaga kaming nagdinner. Napangiti naman ako at hindi na sya hinila imbes ay sinabayan nalang syang maglakad. Syempre bumitaw na ako di naman ako nagtetake advantage masyado noh!

Pumunta na kami sa ticket booth at nagambagan para masakyan namin lahat ng rides na gusto namin. Ako na bumili kasi baka mamaya makilala sya dahil bucket hat lang naman ang suot nya. Matapos kong makuha ang tickets ay pumunta na agad kami sa rides na gusto namin. Ang saya saya namin! Sigawan don, sigawan dito, tawanan don, tawanan dito! At eto na, ang pinakahuling ride na sasakyan namin

Alam nyo yung umiikot tas nagswiswing? Yung flying disk achuchuchu? Yun yung huli naming sasakyan!

"Hoy sure ka dyan?" tanong nya sakin.

"Oo naman!" excited kong sabi at parang bata pa na tumingin sakanya

"Kapit ka lang sa kamay ko kapag di mo na kaya" para syang tatay ko wow naman.

"So thoughtful naman pala"

"Naman!" proud nyang sabi kaya napangiti nalang ako.

Batch na namin ang susunod na sasakay at nakaramdam na ako ng kaba. Naalis naman sa isip ko ang kung ano anong bagay nang may humawak sa kamay ko. Tinignan ko naman agad si Minjae.

"Don't worry too much. I'll be here for you! Lika na sasakay na tayo"

"Wala bang namatay sa ride na yan?"

Unexpectedly YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon