Serene's POV
Nakaupo ako sa harap ni Minjae na nagluluto ng pagkain namin. Nakangiti lang ako sakanya kaya naman sinulyapan nya ako at sinamaan ng tingin.
"What?" mas lumawak ang ngiti ko sa sinabi nya.
"Wala lang."
"Ang creepy mo" halata sa tono ng boses nya na natatakot sya sakin kaya sumeryoso ako.
"Ano?"
"Wala po boss, eto na po ang bagong lutong karne na gusto nyo" nakangiting sabi nito at binigay saken ang plato ng karne. Kinuha ko naman agad ito at nilantakan.
Napansin ko namang nakatitig lang sya kaya tinignan ko sya.
"Gusto mo?" pangaalok ko.
"Hindi na, baka kulang pa sayo"
"Buti alam mo." sabi ko at pinagpatuloy nalang na kumain.
Kumakain kami ngayon sa isang walang katao taong samgyup dahil nga baka makilala etong hayup kong kasama diba? Buti nalang libre nya! At masarap yung karne nila dito.
"Hinay hinay lang." matawa tawa nyang sinabi kaya sinamaan ko lang sya ng tingin. Napaangat sya ng dalawang kamay upang ipakitang sumusuko na sya.
Buti nga.
Natapos na ako kumain at ganon din sya. Ako na ang nagbayad pero syempre pera ni Minjae. Tangina diba? Kinidnap ako ni hayop edi wala akong pambayad.
Sumakay na ako sa kotse nya at nadatnan syang nakikinig ng isang kantang kinaadikan ko! Yung come inside of my heart ng IV of Spades!
"Come inside of my heart if you're looking for answers~" pagkanta ni Minjae nang makaupo na ako. Tanginang lalake toh!
"Para kang ewan!" matawa tawa kong sabi pero pinagpatuloy nya padin yon. With actions pa! Damang dama ni deputa.
"Oooooh~ oooh~ ooooooh~" pagpapatuloy padin nya kaya hinampas ko naman sya at natawa naman si gago.
"Magdrive ka na nga!"
"San ho ba punta madam?"
"Sa condo mo! San pa ba?"
"Wag muna, excited ka masyado.
Mamayang gabi pa baby para mas romantic!" sabi nya habang may nakakalokong tingin na nakabakas sa mukha nya."Gago! Eh san pupunta?" sabi ko at aakmang sasapakin sya kaya napaiwas sya at ngumiti.
"Magshoshopping tayo."
"Talaga?"
"Yes bab--"
"Libre mo? San? Talaga? Thank you!" sunod sunod na tanong ko. Sorry na naexcite eh!
"T-teka isa isa lang!"
"Okie!" sabi ko at tahimik na nagabang sa sasabihin nya pero ngumiti lang sya at sinimulan na magmaneho.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Aléatoirewhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If