Serene's POVNaiwan kami ni Jia dito dahil pagkaalis ni Lola Isabella ay agad itong sinundan ni lolo. Nilingon ko naman agad sya.
"Pre parang sasabog na utak ko" sabi ko sakanya at tumango tango naman sya.
"Pre di ka nagiisa" sabi niya at nagtapikan kaming dalawa.
"Grabe yun, kamukha mo pala mommy ni Lawrence tapos may pa 'Hindi kaya...' pabitin pa." pagpunto ni Jia, napatango nalang ako sa sinabi nya.
"Naguguluhan na talaga ako, ayoko na sa earth" napahilamos nalang ako ng mukha habang sinasabi iyan.
"Tara lipat na tayo sa Jupiter"
"Gawa ka spaceship"
"Ikaw na"
"Tamad ako"
"Wag nalang amp" sabi ni Jia at kumuha ng cookie.
"Teka pabalik na sila" sabi ko at kinuha ang cookie na hawak ni bebs habang nakatingin sya sa magasawang pabalik. Aakma sanang mananapak sya pero napailing nalang sya.
"Pasensya na mga iha at natagalan ah?" sabi ni Lolo na inaalalayang umupo si lola isabella. Uy ang sweet nemen!
"Ayos lang ho" sagot namin ni Jia.
"Ito kasing si Terrence, napalapit nadin kasi siya samin. Sana makatulong toh sainyo, lalo na kay Minjae." pagsasalita bigla ni Lola kaya't nalipat ang atensyon namin sakanya. Grabe Lola Isabella, direstuhan talaga? Walang break?
"Ano ho ba nangyari Lola?" tanong ko at si lola ay may binuksan na photo album kung nasaan may binata at batang lalaki.
"Ito si Terrence," sabi ni lola at itinuro ang bata. "dalawang taon lang sya dyan. At ito naman ang kuya nya, si Haejin." at tinuro nito ang binatang katabi ni Terrence.
"16 palang si Haejin dyan nang malaman nyang nagkaron ng kabit ang tatay nya at ang bunga non ay si Terrence." another shockening revelation na naman. Myghod anong meron ngayong araw? Bawal time out? Yung utak ko kase parang nilalayasan na ako ng brain cells ko eh. Endangered na sila mga parbro."Pero bakit nyo po sinasabi samin toh?" nagtatakang tanong ko sakanila.
"Si Terrence...siya ang tito ni Minjae, iha." at dito na ako tuluyang nawala sa mundo, chos! OA amputa.
"Po?" wala sa sariling tanong ko. Iniisip ko tuloy ano ba pangalan ng tatay ni Minjae kasi hindi naman nya yun nababanggit. Wala ding information na nilalabas tungkol sa pamilya nya dahil personal ito.
"Wala ako sa posisyon para sabihan ng masasama ang pamilya nila pero, hindi naging maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa dahil anak nga sya sa labas." pagpapatuloy ni lola at ako naman itong walang masabi. Masyado nang sabog utak ko tas mas pinasabog pa? Jusko po!
Natahimik kaming lahat matapos sabihin ito ni Lola Isabella.
"Ah pasensya na mga iha? Masyado yata namin napuno ang isipan nyo. Osya gumagabi nadin at baka hinahanap na kayo ng mga magulang nyo." pagbabasag ni lolo sa katahimikan.
"Sige po, salamat po uli dito!" sagot ni Jia dahil hanggang ngayon ay tulala padin ako.
"Salamat din iha." sabi ni lola at inihatid kami papunta sa labas ng bahay nila. Wala padin ako sa sarili ko hanggang ngayon. Natauhan lang ako nang hawakan ni Lola ang kamay ko.
Pinagmasdan nya lang ang mukha ko at agad akong niyakap na ikinagulat ko. Si Lolo naman ay nakita kong naluha na samantalang si lola ay humahagulgol muli.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Randomwhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If