Serene's POVKakatapos lang namin magdinner at ngayon ay nasa sala na kami. Yung tatlong magkakapatid ang nagligpit ng pinagkainan namin at ayaw nilang tumulong kami kaya ayon wag nalang. Sila Kuya Simon, Valerie at Jiara naman ay nauna nang umuwi kasi may pasok pa sila kinabukasan.
Naiwan ako kasi etong si Caroline ayaw pa umalis at si Bri ayaw akong paalisin. Si Lawrence naman, nandon sa guest room nila dito at binabantayan naman toh ng mga yaya dito tas tulog padin sya hanggang ngayon.
"Psst Caroline!" sabi ko at umupo sa tabi nya
"Serene?"
"Type mo si Jude noh?" nangaasar kong tanong. Kahit di ko naman tanungin alam ko agad na type nya yan
"Ha hoyyy hindi ah...slight lang" oh diba? Pabebe pa, buti nalang cute toh.
"Hmm alam mo pre, kilala ko na yan dati pa, kaya kung may tanong ka itanong mo na"
"Pano kayo nagkakilala?"
"Hmm lam mo yung computer shop na dati kong pinupuntahan nung di pa tayo magkakasama sa isang bahay?"
"Ahh oo yung malapit dito sa bahay nyo" yep, malapit lapit lang bahay ko dati dito. Sa kabilang subdivision lang eh iisa lang yung computer shop na nandito tas nasa labasan pa kaya don kami nagkakilala.
"Naglabanan kami don tas kami napiling duo para sa isang arcade competition. Tas naging magkaibigan kami kasi magaling teamwork namin"
"Ang cool naman pala ni bebe serene ko!" sabi nya at niyakap ako kaha niyakap ko den sya pabalik. Hehehe bet ko lang maglambing
"Ano pa tanong mo?"
"Bakit parang kambal kayo kung kumilos? Parang ewan, may sarili ba kayong language??"
"Hmm parang ganon na nga. Parang iisang tao lang kami sa tingin ng iba dahil pareho kami ng kinikilos. Cool ko kase"
"Grabe ka, pasabog eh! Kahit mga kapatid nya di alam."
"Ngumiti si hinayupak eh" natatawa ako sa itsura nila nung time na yon kase gulat na gulat sila nung ngumiti si Jude. Madalang kase yon ngumiti eh, pwera nalang kung magyayabang sya sa bubugbugin nya.
"Ano nga pala ibig sabihin ng punggo?"
"Ahh yon, tawag namin yon sa isa't isa kasi lagi kong sinasabi yung punyeta tas sya naman gago kapag naglalaro kami. Punyeta plus gago is equal to Punggo!"
"Parang timang tawagan nyo. Itlog na pugo kayo?" dahil sa sinabi ni Caroline ah sinamaan ko sya ng tingin at inalis ang pagkakayakap ko sakanya.
"Ge wag ka na magtanong sakin"
"Hehehehe charr lang!" sabi nya sabay yakap sa braso ko. Edi wao,
ano ka kuting?
"Ateee Reneee!! Watch tayo movies sa mini theater!" sigaw ni Bri sakin habang palapit sa pwesto namin ni Caroline.
"Late na Bri eh, 7:30 na" sabi ko at pabagsak naman syang umupo sa tabi ko at niyakap ako.
"Please ate? Isang movie lang!"
"Osige na, nood na tayo" ponyeta di naman ako titigilan nito kapag tumanggi ako. Sinabi na din sakin toh ni Jude dati kaya aware na ako ngayon.
"YIEEE WATCH NATIN YUNG KIMI NO NAWA!" tuwang tuwa nyang sabi at tumayo na agad.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Randomwhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If