Serene's POV
"Ako nalang kasi" sabi ko. Oo umagang umaga nagaaway kami
"Ikaw naman talaga eh!" nakanguso nyang sabi.
"Tsk ako nalang magluluto, kita nang sumasakit ulo mo eh" inom pa kasi yan, ponyemas na hangover abot mo.
"Anong ulo ba?"
"Punye--"
"Umagang umaga mumurahin mo na ako" umirap muna ako bago sya sagutin.
"Kamura mura naman talaga"
"Eh? Di mo ba ako mahal?" pagmamaktol pa nya
"Ewan ko sayo!" sabi ko at sinimulan nang magluto. Naramdaman ko naman ang kamay nya na pumulupot sa bewang ko.
"Ano na naman?"
"Ang sungit nito, last day na nga eh"
"Gusto mo gawin nating last day mo sa mundo?" humarap ako sakanya at tinignan sya ng masama.
"As if kaya mo"
"Sinusubukan mo ako?" sabi ko at tinapat ang kutsilyo sakanya.
"Baby naman eh! Joke lang hehe, punta tayo sa bahay nyo bago kami umalis" sabi nya at tinanggal na ang kamay nyang nakapulupot sakin.
"At bakit? Wala don si Lawrence"
"Ay nagtext sakin si Caroline kaninang umaga, di ka daw nya macontact eh"
"Ano sabi?"
"Sinundo nya daw kanina si Lawrence bago sya pumasok sa klase nya"
"Eh? Sino kasama ni Lawrence. Lahat ng kaibigan ko ngayon may pasok"
"Nandon daw si Bri tapos si Rosie." nagabsent siguro tong si Rosie para lang dito.
"Kilala mo si Bri?"
"Oo, nakakatuwa sya!" nakangiting sabi nya at halatang masaya sya. Ang landi talaga
"Edi jowain mo" sabi ko bago ako humarap muli sa niluluto ko.
"Kahit kelan talaga! Napakaselosa"
"Ulol."
"Grabe toh makapagmura, masakit ahh!"
"Manahimik ka kundi gugutumin kita" liningon ko sya at sinamaan ng tingin. Sakit sa ulo netong lalaking toh! Binarayan ko pa yung sinira nyang door knob bago sya magising at mukhang wala syang naaalala sa mga nangyari.
"Edi ikaw nalang kakainin ko" nakangisi nyang sabi. Manyak talaga!
"Di kita ihatid sa airport tangina ka!"
"Joke lang po, eto na uupo na po uli" matapos niyang sabihin ito ay natahimik nadin ang paligid. Buti naman marunong pa syang matakot.
Kumain na kami ng breakfast at napagpasyahan na magikot ikot muna sa mga shops dito sa okada. Kaya daw pupunta kami sa bahay ay para siya na daw tutulong sakin na iuwi mga gamit ko don, bago siya umalis. Naglunch nadin kami matapos magikot bago kunin ang mga gamit ko sa kwarto at sumakay na sa kotse nya.
Nakarating na kami sa bahay namin at tinulungan nya akong idala ang mga gamit ko papasok sa bahay at nadtanan naman namin don si Bri at Rosie na nilalaro si Lawrence.
"Ate Rene! Sino yang kasama mo--- KUYA MINJAE?!" oo nalang at nasagot nya sarili nyang tanong.
"Teka Ate Rene, bakit kayo magkasama? Bakit di mo sinabi sakin??" nakapout nyang tanong. Jusko pwede bang papasukin muna nila kaming dalawa sa bahay bago magtanong?

BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
Diversoswhat's more to say when you are my perfect unexpected happiness? A Dream Come True 07/06/20- #4 Idols 07/18/20- #1 Meant 07/23/20- #4 What If